CHAPTER 26

5 2 0
                                    

[Chapter 26: Knowing]

Reveal the lies
behind her back.


Third Person POV

"Kailangan mong makatakas dito alvin" saad ni ayesha at pinaupo niya ito sa tapat niya. "Kung sakaling hindi na ako makakabalik at makakalabas sa kwarto, tumakbo kana ha" maiyak na sabi ni ayesha habang sinasaad ang mga pangungusap.

"P-pero paano ka?" tanong ni alvin sa kanyang ate, sa pgakakataon na ito paramg bumalik sa pagkabata si alvin ng tinitigan niya ang kanyang ate.

"Magiging okay lang ako, paki sabi nalang ni mommy na mahal na mahal ko siya ha kung hindi man ako papalarin maligtas sa kamatayan na i-ito" saad ni ayesha.

"S-sana sa susunod na buhay m-maging a-ate parin ako s-saiyo" hikbi ni ayesha at agad niya hinalikan ang noo ng kanyang kapatid hindi na niya mapigilan ang kanyang mga luha ng isa-isa itong nagsilabasan na para bang wala ng bukas ang kanyang luha.

"Pero ate..." putol na saad ni alvin dahil inunahan  siya ng kanyang ate ayesha. "Ito ang mga ibedensiya na ginawa nila," saad ni ayesha habang inuungkat ang isang folder.

"Mga walang awa pinaslang niya si ryui at marami pang crimen na dapat niyang panagutan" saad ni ayesha. Habang iwang gulat at napatulala ang kanyang kapatid.

"H-hindi pwede si r-ryui" saad ni alvin para mapatahimik ang kanyang ate at tumayo ito sa pagkaupo at bigla itong sumigaw.

"Jane!" sigaw ni ayesha kay jane at nilingon niya sa isang pagkakataon ang kanyang nakakabatang kapatid na ngayon ay maiyak iyak na.

"Wiped your tears, masasayang lang yan. Sayo lang ako umaasa alvin" mahinang sambit ni ayesha na dinig naman ni alvin. Nagsimula ng maglakad si ayesha papunta sa loob ng kanilang mansyon at agad na tumayo si alvin at pumunta sa kusina at nagkunwaring may hinuhugasang mga pinggan.

"Jane can you get me a towel pleased" dinig ni alvin sa labas ng mansyon. "Damit narin 'bestie, yung nasa washing machine ah!" sunod na saad ni ayesha na nadidinig din ni Alvin kahit malayo na ang kanyang ate. Ilang minuto pa ay biglang bumalik si Ayesha biglaang napalingon si alvin ng sinenyasan siya ng kanyang ate na maghanda na siya, mangilid na luha na tumango nalang si alvin bago bumalik si ayesha sa labas.

Ilang sandali pa ay biglang tumahimik ang paligid tanging agos lang ng tubig ang rinig at umaalingaw-ngaw sa loob ng mansyon. Agad siyang kumilos pumunta muna siya sa kwarto nila at kinuha ang isang bag na ginagamit nila sa paaralan, inilabas niya ang mga gamit na dapat ginagamit sa paaralan bago paman siya bumalik sa kanilang ibaba ay kinuha niya ang nag-iisang picture na kasama pa niya ang kanyang pamilya, siya, ayesha at ang kanyang mommy.

Agad siyang lumabas at binagalan niya pa ang kanyang kinikilos hanggang sa naka-abot na siya sa kanilang back gate dahan-dahan niya ito binubuksan para hindi ito lilikha ng matitinis at maingay dahil sa kinakalawang na ito, dahan-dahan siyang lumabas sa back gate.

Nakalabas na si alvin gulat siyang mapatingin sa gilid niya dahil may biglang malakas na tunog ang bumulas sa loob dahil sa takot na hindi niya matagumpayan ang sinasabi ng kanyang ate ay agad siyang tumakbo sa kagubatan kahit hindi niya alam kung saan siya papunta.

Ilang oras pa ang lumipas ng nakaramdam ng gutom si alvin, napagisipan na muna niyang magpahinga at kinuha ang snack na nanggaling pa sa kanyang bag. Ramdam niya ang pagod sa kanyang paa dahil sa bilis niyang tumakbo at ilang oras din siyang nagtatakbo sa gubat, kumuha siya ng isang water bottle at ininom niya ito.

Isinara niya na ang tubig na may laman pang kalahati at pagkain na hindi niya naubos, napatigil si alvin sa paglagay sa isang pagkain at isang inumin niya ng bigla niyang nakita ang litratong dala niya. 

An Adopted GirlWhere stories live. Discover now