Chapter 36

2.3K 79 27
                                    

𝗜𝘀𝗮𝗯𝗲𝗹𝗹𝗲

Sunday morning I attended the mass and then after I had my lunch I travel all the way from Ilocos to Manila. I was kind of nervous because it's my first time traveling by myself. I already have a condo unit and it's just near Ateneo lang, kaya lang lakarin at hindi hassle yung pagpasok ko. Makakatipid din ako sa pamasahe.

I travelled via airplane so I can still take a rest pagkadating ko sa Manila. Tomorrow is my first day in Ateneo. I hope everything will be good.

Hapon narin nung nakarating ako sa condo kung saan ako mag-iistay. Sakto lang yung space niya, may kunting sala, kusina, kwarto at cr. Hindi pa naman ako inaantok kaya napag-isipan kong ayusin yung mga gamit ko at ilagay yung mga damit ko sa cabinet.

Pagkatapos kong ayusin yung mga gamit ko, I decided to grocery some foods, hygiene kit, medicines and other essentials I need. Sumakay lang ako ng tricycle at nagpahatid sa pinakamalapit na grocery store.

When I arrived at the grocery store, I bought food for approximately two weeks supplies ko. Bumili din ako ng mga biscuit at ibang finger foods for my snack. I like how I live my life right now!

Living like an strong independent woman. Living alone!

Pagkatapos kong namili, bumalik na ako kagad sa condo ko dahil gumagabi na din. Pagkadating ko sa condo, inayos ko lang ang mga pinamili ko and decided to take a bath. When I finished taking a bath, I prepared food for my dinner and I ate it while watching tv. When I finished eating I wash the plate and utensils that I used, right away.

Napag-desisyonan ko ding plantsahin yung uniform kong gagamitin bukas at i-double check kung kompleto na ba yung gamit ko sa bag. Kailangan kong matulog ng maaga ngayon dahil gigising ako ng maaga bukas.

Pagkatapos kong gawin yung mga kailangan kong gawin, I already took a rest. I was able to sleep fast dala nadin siguro ng pagod.

𝙉𝙚𝙭𝙩 𝘿𝙖𝙮.....

Today is the day!

Nagising ako ng maaga at naligo ako agad, pagkatapos kong maligo isinuot ko na yung uniform ko at naghanda na ng kakainin ko for breakfast. Pagkatapos kong magbreakfast, kinuha ko na yung bag at I.D ko at naglakad na papuntang Ateneo.

Papasok na ako sa Ateneo, kinakabahan ako kasi wala akong kilala dun, hindi pa naman ako marunong makipag-socialize, oo pambihira! Nasaan na kasi yung dating ugali mo Isabelle, yung basta-basta nalang makikipag-usap kahit sa mga taong hindi mo kilala.

At dahil malapit lang, nakarating ako agad.

I breathed-out before entering the school. Is this really for real? I'm really going to study in Ateneo de Manila University!

I froze and then I was startled when someone spoke.

"Good morning ma'am, Welcome to Ateneo!"

I looked at the direction wherw the voice is coming from and its from the school guard. I gave him a genuine smile.

"Good morning din po, Salamat!" I replied as I flash a smile.

Pumasok na ako at dumiretso sa Bulletin Board dahil hindi ko pa alam kung saan yung classroom ko. Ang dami na ding mga studyante ang nagsisidatingan.

And finally, I found my name!

Dy, Isabelle Celestine - Class A

My classroom is located on the second floor of the building and it says that my teacher's name is Ms. Gwynette Alondra Castro.

Some students here are speaking english, I think it's not mandatory naman since meron ding nagtatagalog.

I was about to go to the second floor when I heard my name. Sino naman kaya yun? Wala naman akong kilala dito.

Long Lost DaughterWhere stories live. Discover now