Inlove with my Tutor

127 4 0
                                    


Jake's POV

After a month, Nung namatay ang mga magulang ko ay hindi na ako bumalik sa pag-aaral. Sabi ni Tiya Dina ay babalik daw ako kasi isang month na akong hindi nag aaral pero after sa sunog na nangyari na ikinamatay ng mga magulang ko parang wala na talaga.

Hindi naman ako tumigil pero wala akong gana pumasok pero si Tiya Dina ay pinipilit akong pumasok ulit. Habang nasa mesa, kumakain ng hapunan ay dumating si Addison.

Si Addison ay anak ni Tiya Dina at sobrang bitch niya, dati pa kaming magkalaban at hindi ko gusto na makasama siya sa bahay. Hindi ko alam bakit naging anak ni Tiya Dina si Addison, sobrang bait ni Tiya Dina habang si Addison ay parang bruha.

"Nandito ka na pala?" Sabi niya in a sarcastic way, Hindi ko na siya pinansin kasi alam ko na away lang ang patutunguhan. Dumating si Tiya Dina at dala yung isang cake na nasa loob ng frigde, nagulat naman si Addison sa cake.

"Bakit may cake?" Tanong niya kay Tiya Dina at agad namang tumingin sakin si Tiya Dina.

"Diba, papasok na si Jake sa school niya bukas?" Tanong niya sakin at agad naman akong tumango. "See, papasok na siya kaya may cake siya. Ginawa ko ito kanina nilagay ko lang sa fridge kasi alam ko na matakaw ka sa cake." Sabi niya kay Addison at agad naman siyang kumuha ng plato.

"Sa tingin mo na kaya mo na pumasok?" Tanong ni Tiya Dina sakin at tumango ulit ako. "Baka need mo pa yata ng time pero yung grades mo kasi lumiliit na kaya need mo ng pumasok." Sabi niya sakin habang nagpapatuloy ako sa pagkain ng cake.

"Grabe ka naman Ma, hindi na bata si Jake alam na niya yung gagawin niya kaya wag mo na siyang gawing baby." Sabi ni Addison at agad naman siyang umalis.

"Wag mo na pansinin yung si Addison ah, masyadong naiinggit lang yun." Sabi ni Tiya Dina at nagpatuloy na kaming kumakain.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Disclaimer :
- This story may contain erotic scenes and vulgar words such as Profanity. It also contain graphic description of bullying and harrasement.
(Audience has been advice.)

- This story is a work of fiction, The following scenes such as the Place, People, Events and Etc. were just made for the entertainment purposes.

Characters :
Jake Santiago
Clifford Diaz
Aiden dela Cruz
Jean Montemayor
Tiya Dina
Addison
Kirt del Carpio

There are still more characters while the story continues.

Inlove with my Tutor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon