Day 16: Class A
Jake's POV
After nung date namin ni Clifford ay mas naging close na kami sa isa't isa, medyo comfortable ako sa kanya habang mga kasama ko ay--
"I told you, worth it siya." Sabi ni Kirt.
"Heh, good thing pumayag kami ni Gian." Sabi ni Jean pero ang nakakapagtaka sakin ay wala si Aiden dito.
"Nasan si Aiden?" Tanong ko at agad naman silang tumingin sa kabilang building.
"Kita mo yan? Nasa Class A siya naka-abang lang sa crush niya." Hindi ko alam na nasa Class A na pala siya naka-abang. Tinignan namin siya dun tapos may isang babae na lumabas sa classroom at agad naman siyang bumati pero hindi naman siya pinansin, tumawa nalang kami sa gilid hanggang napansin niya kami.
"Ano nakakatawa dun?" tanong niya sa amin pero patuloy lang kami sa pagtatawa, hindi ko alam kung ako lang ba ito pero si Jean ay nakikisali na din.
"Mga baliw yata tong mga ito." sabi niya samin at lalo pang tumawa si Kirt.
"ehh, HAHA ikaw kasi, bumati ka dun eh hindi ka nga pinapansin. kawawa ka naman pre." sabi niya at napa-ngisi lang si Aiden at agad namang binigay samin yung isang papel.
"sure na ba hindi pinansin?" ohhh shit! tinignan namin yung papel at nakalagay dun yung pangalan ng naka-usap niyang babae.
"Mamaya, nasa Canteen sila kaya dun ako tatambay." Sabi niya at nilagay ulit yung papel sa bulsa niya.
"Sige pre, sabay na din kami ni Jake at Kirt, diba Jake?" Napatingin sila sakin at tumango naman ako.
"Yea, sasama ako." Sabi ko at sobrang tuwa naman nila kaso biglang dumating si Clifford.
"No, your not...you are going to join me playing badminton." sabi niya at nalungkot naman sila pero si Jean na binibigyan ako ng napa-ngisi niyang mukha, magkasama talaga tong dalawa bwesit.
"Wag na kayong maging malungkot, respect nalang tayo sa kanilang dalawa." sabi ni Jean at napa-ngisi naman si Clifford.
"sige Jake, ingat nalang kayo ng Clifford mo." sabi ni Kirt pero si Aiden ay sobrang titig dun sa canteen lumapit ako kay Clifford, buset siya gusto ko din namang makasama kaibigan ko sali na din tong si Jean.
"Clifford, please naman oh payagan mo na akong sumama sa kanila." bulong ko sa kanya.
"Sure, you can join them in exchange...you and me in my bedroom." sabi niya sabay ngisi.
"EHEMMM, someone is getting laid tonight." sabi ni Kirt at tumawa naman yung dalawa.
"Alis na nga tayo." sabi ko at agad naman kaming pumunta sa Canteen.
Sa Canteen ay dun naka-abang yung mga students sa iba't ibang section ng school, dito din nag-tatambay yung mga bullies, popular students and other students as well. Pagdating namin dun ay may mga students ay tumatakbo para kasali sa Students Council.
"Vote niyo siya, promise ko sainyo hindi masasayang ang vote mo." sabi ng isang student na hindi ko kilala. Hindi kami pumupunta dito kasi puro taga Section 1 to 4 lang ang nandito habang kami na section 5 ay nasa kabilang canteen tumatambay kasi walang mga plastik.
"San na ba yung sinasabi mo?" tanong ko kay Aiden pero pati siya hindi alam kung saan, hinanap namin yung sinasabi niyang babae kaso wala.
"Balik nalang tayo sa classroom pre, chat mo nalang yun mamaya pre." sabi ni Jean at babalik na sana kami sa classroom kaso may bumangga sakin, napatingin ako at nakita ko na kasali siya sa varsity ng school. Omai!
"Oi? tumingin ka naman sa daan, may mata ka naman baka gusto mong tanggalin ko yan para may rason ka na sa pagiging tanga mo." galit agad??
"Ano yang pinagsasabi sa jowa ko?" sabi ni Clifford at agad namang hinawakan kamay ko.
"Lagot lang kayo sakin." sabi niya at agad naman siyang umalis kasama yung mga kasamahan niya, dumating naman si Gian at tinulungan akong paalisin.
"Jake, ano nasa isip mo?" tanong niya sakin.
"Hindi mo ba kilala sin-" hindi niya naituloy yung sinasabi niya kasi pinatigil siya ni Clifford.
"Ako na bahala."
To be Continued
BINABASA MO ANG
Inlove with my Tutor
RomanceBL Series 3: Inlove with my Tutor. "After a month, Nung namatay ang mga magulang ko ay hindi na ako bumalik sa pag-aaral. Sabi ni Tiya Dina ay babalik daw ako kasi isang month na akong hindi nag aaral." Tuklasin ang buhay nina Jake Santiago at Cliff...