Day 24: Carnival
Jake's POV
"Oum sige ako na bahala." Agad namang lumapit si Jean sakin.
"May pupuntahan daw kayo ni Clifford kaya magbihis ka na." Sabi niya kaya pumunta na ako sa kwarto niya kaso habang papalakad pa ako sa kwarto ni Jean ay biglang dumating si Clifford.
"Bilis mo naman." Sabi ni Jean at agad naman siyang pumasok.
"What do you expect? The police station is just 1 block away from here." Sabi niya at agad naman siyang napatingin sakin kaya tinakpan ko yung katawan ko.
"Jake, wala kang dede kaya wag mo ng takpan yan." Sabi ni Jean pero agad akong pumasok sa kwarto niya, Bahala siya dyan.
After ko magbihis ay agad naman siyang lumapit sakin, hinawakan niya yung kamay ko at nilapit sa bibig ko.
"There is a little stain in this area." Sabi niya at binilisan ko namang pinunasan gamit yung kamay ko kaso wala naman.
"Ehh wala naman."
"Meron, its right here." Sabi niya at agad niya akong hinalikan. Animal talaga to may hokage moves pang natutunan.
"Ehem, respeto naman kayo." Sabi ni Jean at tumawa nalang si Clifford.
"You look so fine." Sabi niya at nagsimula na kaming naglakad at habang naglalakad ay may napansin ako sa kamay niya.
Susi yun ng basement namin.
"Clifford, san galing yang susi na yan?" Tanong ko pero hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang siya sa paglalakad, Okay ignore mo lang pala ako.
"Ayokong mapa-isip ka ng problema, just think this night is for fun only then tomorrow i'll tell you everything about the key." Sabi niya at tumahimik nalang ako.
Pumasok ako sa kotse niya at napansin ko na walang tao na sumusunod samin hindi katulad nung dati na tuwing tingin mo sa bawat sulok ay may makikita kang kotse na sumusunod sayo.
"We're here." Bilis naman nun parang nagsasalita lang ako tapos yun nandito na kami, bumaba kami sa kotse niya at nakita ko na ang daming tao kaya medyo insecure ako dito.
"Are you okay?" Tanong niya at tumango naman ako kaya nagpatuloy kaming pumunta sa ticket booth para pumila.
Habang naghihintay sa pila na ito ay nakatingin lang ako sa kanya kahit gabi kumikinang parin yung mata niya parang kumikinang na bituin sa langit. Tumingin ako sa paligid at nakita ko yung malaking ferris wheel at ibang rides tulad ng rollercoaster kasi hindi ko pa yun natry. Hindi kasi mahilig sila Mama at Papa sa paggala.
Nung nasa harap na kami ng pila ay agad naman bumati yung cashier dun.
"Goodevening sir, two tickets ba sir?" Tanong niya at tumango naman si Clifford.
"Two tickets for me and my boyfriend." Sabi niya sabay akbay sa balikat ko. May ibang tao sa likod na kinikilig kaya medyo nawala yung insecurity ko sa lugar na ito.
"Sweet niyo namang dalawa sir, have a great evening." Sabi ng cashier at agad namang binigay samin yung ticket.
Pumasok kami sa loob at dun nakita namin ang daming ride at plano namin na i-try lahat ng rides dito.
"Are you ready for the greatest night in your life?" Tumango naman ako kaya agad na kaming pumunta sa first ride.
BINABASA MO ANG
Inlove with my Tutor
RomansBL Series 3: Inlove with my Tutor. "After a month, Nung namatay ang mga magulang ko ay hindi na ako bumalik sa pag-aaral. Sabi ni Tiya Dina ay babalik daw ako kasi isang month na akong hindi nag aaral." Tuklasin ang buhay nina Jake Santiago at Cliff...