Day 6

62 2 0
                                    

Day 6: Reasons

Jake's POV

Tumunog yung alarm clock ko at dun ako nagising. Binuksan ko yung kurtina tapos may nakitang police car na naka-abang sa harap ng bahay.

Shoot, nahuli ata kami ni Clifford~

Nagbihis ako at agad namang pumunta sa sala at dun ko nakita si Tiya Dina na umiiyak, agad naman akong lumapit dun.

"Ma'am siya ba yung anak ng kaibigan niyo?" Tanong ng police at tumango naman si Tiya Dina.

"Uhm, sir we need to talk about some issues." Sabi niya at kinabahan naman ako. "Pwede ba kitang dalhin sa police station?" Tanong niya at alam kong hindi ito tungkol sa ginawa namin ni Clifford kaya tumango ako at sumunod sa police, Pagdating namin sa police station ay agad naman siyang humarap sakin.

"All the question i will ask will be too much for you to handle, kaya maghanda ka nalang kasi may gusto akong sabihin sayo." Lumabas naman siya at sumunod naman ako, habang naglalakad papasok sa police station ay may nakita akong dalawang lalake na nakatingin lang sakin.

"Dito tayo sir." Agad naman siyang umupo sa desk.

"May kilala ka bang kalaban ng mga magulang mo?" Tanong niya.

"Wala namang nabanggit si Papa o si Mama tungkol diyan sir."

"Kung wala naman, feel mo ba na may nagbabanta sa buhay niyo?" Tanong niya ulit.

"Wala po." He sigh at agad namang kinuha yung folder na nasa gilid ng desk niya.

"Its been confirmed that your parents didn't die from accidental fire." Habang tinitingin ko yung nasa laman ng envelop ay nakita ko yung dati naming bahay na nasunog.

"May nagbabanta na dati sa buhay ng magulang mo at sayo, basahin mo ito." Kinuha ko yung isang maliit na papel na medyo nasunog.

"Petrolic Arson." Yan lang yung nakalagay pero hindi ko parin naintindihan.

"Petrolic Arson ay isang pangalan ng tao, siya yata yung suspek sa pagkamatay ng magulang mo at may iba pa." Kumuha naman siya ng folder at binigay sakin.

"Petrolic Arson ay hindi na bago sa amin, dati ay may isa pang Arsenal na nangyari at binigyan siya ng pangalan na Gas Arson." Sabi niya sakin.

"Ang pagkakatulad ng dalawa ay same lang ang ginagamit nilang pang-sunog ng bahay, Gas o Gasolina yung pabor niyang gamitin tapos iniiwan niya lang sa gilid ng bakuran ng bahay na nasusunog." Sabi niya.

"Ano kailangan kong gawin sir?" Sabi ko habang nagsisimula ng umiyak.

"Ang tangi kong masasabi sayo ay maging alerto ka sa paligid mo, hindi mo alam kung nasaan yung kriminal na yun." Sabi niya at pinunasan ko nalang yung mga luha ko. "Hatid nalang kita pauwi sa bahay niyo." Sabi niya at sumunod naman ako sa kanya. Tinignan ko ulit kung nasaan yung dalawang lalake ay wala na sila dun.

Hinatid niya ako papunta sa bahay at agad naman akong pumasok, Nakita ko si Ma'am English na kinakausap si Tiya Dina.

"Hindi natin alam kung nasaan yung kriminal kaya feel ko hindi ligtas si Jake." Sabi ni Tiya Dina.

"Hindi siya ligtas pero kapag dito lang siya sa bahay palagi, parang kinukulong niyo lamang siya." Sabi ni Ma'am.

"Alam ko naman yun Sheryl pero nag-alala lang ako para kay Jake, kasi kapag nadamay siya dito ay malaking kasalanan ko na yun kay Joana." Sabi ni Tiya Dina at nagpatuloy sa pag-iyak.

"Wag na po kayong mag-alala sakin, kaya ko pong lumaban para sa sarili ko." Sabi ko at agad naman tumingin sakin si Tiya Dina at si Ma'am English.

"Tignan mo Dina, malaki na si Jake kaya wag mo na siyang ikulong sa bahay." Sabi ni Ma'am English.

"Dun lang muna ako sa kwarto ko." Sabi ko at agad namang pumunta sa kwarto ko.

Buong araw akong nanatili dun at hindi muna lumabas except kapag kakain na, Hinintay ko nalang yung araw ay matapos para bukas naman ay may bagong panimula.

Inlove with my Tutor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon