Day 8

57 2 0
                                    

Day 8: Druken Lips

Jake's POV

Kahit ngayon ay tulala parin ako sa nakita ko kagabi pero hindi ko nalang yun pinansin, Inayos ko yung kama ko at mga libro ko.

Medyo kinabahan ako sa pagtuturo sa kanya kasi siya dapat yung tutor ko pero ako din naging tutor niya, Biglang tumunog yung doorbell at agad naman akong tumakbo pababa.

"Jake, nandito na kaibigan mo." Sabi ni Tiya Dina at pagdating ko ay nakita ko si Clifford na may dalang isang bag na puno ng beer.

"I also brought some filipino dictionary to learn the language." Sabi niya pero nahihiya parin ako sa kanya. "Can you put this beer in a bowl? I bought plenty of ice." Sinunod ko naman yung utos niya at naglakad siya papunta sa kwarto ko.

Hindi ko alam bakit dito siya kasi sabi niya last meet namin ay dun kami sa bahay nila, nilagay ko yung beer sa fridge at agad namang pumunta sa kwarto ko.

"Diba, sabi mo na dun tayo sa bahay niyo?" Tanong ko sa kanya habang nilalabas niya yung mga libro niya.

"My house is under renovation and i was thinking about moving in to someone else house." Sabi niya at agad naman siyang pumunta sa kusina.

Habang naghihintay sa kanya ay napansin ko na palaging tumutunog yung cellphone niya, Iphone pa.

Titignan ko na sana kaso bigla siyang dumating na may dalang isang bowl na laman ng beer at ice.

"Para saan yan?" Tanong ko sa kanya at napa-ngisi naman siya, umupo siya sa tabi ko at sobrang bango niya. Hindi ko maiwasan na hindi tumingin sa kanya at palaging pumapasok sa isip ko yung nangyari kagabi.

"Ey, are you okay?" Napatango naman ako pero sa totoo lang tulala parin at hindi ko alam ano isasagot ko sa kanya.

"Uhm o-okay lang ako." We started the lesson but everytime kaming nagtuturo ay umiinom siya ng beer at nung natapos na ay naka-ubos na din siya ng 10 cans of beer at lasing na din siya.

"Clifford okay ka lang ba?" Tanong ko pero nakatulog na pala siya, hindi ko alam ano gagawin ko kaya agad akong pumunta kay Tiya Dina.

"Tiya Dina, ano gagawin ko kay Clifford nakatulog ih?" Tanong ko at agad namang nag-alala si Tiya Dina.

"Hindi ko pa naman alam kung saan ang bahay niya at gabi na din para iuwi mo siya kaya dito na siya matutulog." Sure ba yan? Dun sa kwarto ko?

"Sige po." Bumalik naman ako sa kwarto ko at nakita kong nakahiga lang siya sa sahig.

Binuhat ko siya at nilagay sa tabi ng kama ko at habang binubuhat ay narinig ko siyang nagsasalita pero mahina naman kaya di ko masyadong narinig kung ano yun.

"Jake, thankyou for teaching me." Sabi niya habang nakapikit na at medyo napa-ngiti naman ako sa sinabi niya.

Napansin ko na medyo nabasa yung polo niya dahil sa beer at kumuha ako ng damit ko, sana kasya din sa kanya mga tshirt ko.

Lumapit ako sa kanya at sinimulang tanggalin yung butones ng kanyang polo at agad namang bumungad sakin yung maputi at muscular niyang katawan, naramdaman kong umiinit yung katawan niya habang binihisan ko siya.

Napa-ungol siya habang binihisan ko pero hindi ko na yun pinapansin.

"K-kiss me jake." Sabi niya at napatigil ako sa ginawa ko.

"Lasing ka lang kaya matulog ka na." Sinabi ko pero hinila niya ako papalapit sa kanya at hinalikan ako sa labi.

Biglang bumagal ang mundo habang hinalikan niya ako, hindi ko masabi pero first time kong makipaghalikan at lalo na lalake.

Tumigil na kami at agad naman siyang natulog habang ako nakatulala lang sa kama.

Ano nangyari?? Una yung ano tapos ito ngayon.

Tinignan ko siya ulit at napa-ngiti naman siya habang natutulog, maybe may crush siguro to sakin?

Inlove with my Tutor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon