Day 3

66 2 0
                                    

Day 3 : Offer

Jake's POV

Pagdating ko sa classroom ay naka-abang na si Jean at Gian na nag-uusap, Magkakambal talaga pero iba yung style nila sa kanilang sarili.

"Woy, Jake long time no see." Sabi ni Gian sabay yakap.

"Kamusta ka na Gian?" Tanong ko at agad naman niyang inayos damit niya.

"Ito walang nagbago pero straight to the point na nga tayo, Clifford wants to be paid. Sinabihan ko siya na mag-usap kayo bukas at tinanggap naman niya, Sabi niya ay pagkatapos nalang ng klase dun na kayo mag-uusap." Sabi ni Gian, tinignan ko yung classroom ko at nakita ko siya nandun naka-upo habang nanonood sa bintana.

"Sige Gian, salamat sa tulong mo." Sabi ko at napangiti naman siya.

"Para sayo Jake, sige alis na ako. Jean umayos ka sa pag-aaral mo ah." Sabi niya at tumango naman siya.

Pumasok kami sa classroom namin at nandun siya nakatingin lang sa bintana, Habang naglelesson si Ma'am ay nakatingin lang ako sa kanya.

Akala ko na maging free lang yung pagiging tutor niya pero totoo nga na may attitude siya pero hindi ko din maiwasan na sobrang puti niya, Siguro nga galing siya sa Amerika kaya ganyan balat niya at matangos din yung ilong.

Tapos--"Mr. Santiago?!" Sabi ni Ma'am Science at halata sa mukha niya na galit siya.

"Mr. Santiago, can you answer this question? What do you call a living thing in a scientific manner?" Hindi ko alam yan baka may livingticus thingcius pa yang nilalagay.

"Living Orgasm." Napatawa naman lahat ng mga kaklase ko pero si Ma'am hindi natutuwa.

"Detention room, bilis!" Sigaw niya at agad naman akong tumayo dala yung bag ko, bakit pa kailangan magdetention? Wala naman akong ginawang masama, tama naman yun Living orgasm.

Nandun ako sa detention room for 3 hours at nanatili ako dito hanggang pagdating ng lunch, Hindi ko na nahabol yung other classes ko dahil sa Science teacher na makapal yung mukha.

"Pre, kamusta detention mo?" Tanong ni Kirt sabay ngisi.

"Hindi ko alam bakit niya ako pina-detention na tama naman ako." Sabi ko at lalo pa silang tumawa.

"Pre, alam naming lutang ka minsan. Organism yun hindi Orgasm." Tulala nalang ako pagsabi ni Jean nun. Organism at Orgasm? Iba pala yun?

"Napansin ko din kanina na tu--" Napatigil sa pagsalita si Aiden nung dumating si Gian at Clifford.

"Jake, Clifford dun muna kayo sa gilid mag-usap ah dito lang kami maghihintay sainyo." Sabi ni Gian at agad namang tinulak sina Aiden, Kirt at Jean pa-alis.

Sinundan ko si Clifford papunta sa gilid ng hallway and believe me, kinakabahan ako baka masungit siya or what not.

"You need someone to teach you right?" Tanong niya.

"Uhm...opo, magkano ba gusto mo?" He smirk at me, makisabay na lang sa pag-eenglish.

"100 per session." 100?? Laki naman nun kahit isang piso nga wala ako.

"I'll try but hindi pa kita mababayaran agad agad." He sigh and looked at me with a fierce glance.

"I'll give you a second option, i know you dont have money so i'll teach you what subject you needed and in return you need to teach me the Filipino Langauge without charges." Yan! mas gusto ko pa.

"Deal." Sabi ko at agad naman kaming naghand shake.

"Ano ginagawa niyong dalawa diyan? Baka gumagawa na kayo ng himala ah." Sabi ni Kirt at agad ko namang hinagis sa kanya yung libro kahit malayo siya tumama padin sa mykha niya.

"Ikaw kahit ano nalang iniisip mo baka sa susunod isang unan naman at ako ang gagawin mong himala." Sabi ko at napatawa nalang siya.

"Ginagalaw mo yung unan mo?" Ehhh? Hindi noh?

"Hindi noh, horny na talaga kapag yan ang ginagawa." Sabi ko.

"Ilang times ko na yan ginawa kaya sobrang horny ko." Hindi ko na siya pinansin at tumingin nalang kay Clifford.

"Tomorrow at your house 3pm to 7pm." Sabi niya at agad naman siyang umalis. Tinignan namin si Gian pero tulala lang siya.

"Kaya mo yan Jake, teka lang Clifford!" Sabi niya at agad namang hinabol si Clifford.

"Out sa pamilya namin, siya lang tingin ko na naging aso ni Clifford." Kaya minsan nag-aaway tong dalawa na toh.



Inlove with my Tutor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon