Day 2 : EnglishCharacters :
Ma'am English (Sheryl)
Gian MontemayorJake's POV
"Pano ka babawi sa grades mo pre na puro 70 yan may 68 pa nga oh." Sabi ni Jean.
"Oo nga pero pinakamabilis lang niyan ay English." Sabi ni Aiden, Tinignan ko yung grades ko at totoo nga puro 70 at 68.
"Vacant naman tayo ngayon pre, kausapin mo yung teachers natin baka may ipapagawa sila sayo." Sabi ni Kirt sabay ngisi at agad ko naman siyang sinampal sa mukha.
"Anong ipapagawa, utak mo puro bold." Sabi ko at agad naman siyang tumawa. Tumayo ako at agad namang pumunta sa room ng English teacher namin.
"Ahh...Jake, you here just in time. You know that your grades i mean all of your grades have decrease." Sabi niya at tumango naman ako.
"I have figure out a way to adjust your grade, if you could only pass my exam test by the next 2 weeks that will be okay to get your grades back." Sabi niya at agad naman akong napahinga ng maayos, Akala ko mahirap ang ipapagawa sakin.
"So starting right now, you need to study." Sabi niya at tumango naman ako. "Okay you may leave now." Lumabas ako at nandun sina Jean, Kirt at Aiden naghihintay sa hallway.
"Ano sabi pre?" Tanong ni Jean.
"Kapag papasa ako sa isang exam niya in the next 2 weeks ay mababawi ko grades ko." Sabi ko.
"Sa tingin ko para maging maayos din yang exam mo, need mo tulong nung si Clifford ba yun??" Sabi niya at agad namang tumango sina Kirt at Aiden.
"Magaling yun sa english total sa Amerika naman lumaki." Sabi ni Aiden.
Puro kayo Clifford, Clifford, Clifford. Hindi ko naman yan makakausap kasi hindi kami close, tapos ano naman if maging close kami hindi naman yata yan papayag maging tutor ko.
"At kung nasa isip mo ay pano maging kaibigan yan si Clifford, wag kang mag-alala. Hindi naman yan nangangagat." Sabi ni Kirt at agad naman silang tumawa.
"Try ko lang na kausapin siya pero mahirap kasi baka magka-nosebleed pa ako." Sabi ko.
"May mga kaibigan na din siya, try mo magtanong sa kanila." Sabi ni Jean, lumabas si Ma'am English at agad naman siyang lumapit sakin.
"Paki-usap din kay Dina na pupunta ako sa kanila ngayong Saturday." Sabi ni Ma'am at tumango naman ako.
After the whole day ended ay agad naman kaming umuwi sa bahay ni Jean, tapos dun ay tinawagan niya si Gian.
"Kuya, kaibigan mo naman si Clifford diba? Baka pwede maging tutor siya ni Jake na libre lang."
"Ehh? Bakit ayaw? Need ni Jake kasi gusto niyang babawi sa grades niya."
"Hays sige, ingat."
He ended the call at agad naman tumingin sakin. "Well may good news at bad news." Sabi niya.
"Yung Good news ay naka-usap ni Kuya si Clifford pero yung Bad news, ayaw ni Clifford na free yung tutor." Grabe naman, saan kaya ako kukuha ng pera?
"Sabihan mo nalang si Gian na tatanggapin ko offer ni Clifford, pag-uusapan muna naming dalawa kung magkano." Sabi ko at tumango naman siya.
"Hatid nalang kita para hindi ka na gagastos." Sabi niya at tinanggap ko naman.
BINABASA MO ANG
Inlove with my Tutor
RomanceBL Series 3: Inlove with my Tutor. "After a month, Nung namatay ang mga magulang ko ay hindi na ako bumalik sa pag-aaral. Sabi ni Tiya Dina ay babalik daw ako kasi isang month na akong hindi nag aaral." Tuklasin ang buhay nina Jake Santiago at Cliff...