Day 1: ReturnJake's POV
Pagkatapos kong maligo ay agad naman akong nag-bihis ng damit. Tinignan ko yung phone ko at malapit na mag 6am, Magsisimula yung pasok in 7:00am tapos maglalakad pa ako papunta sa school. Medyo naging pabigat na yata ako kay Tiya Dina, baka may mahahanap akong trabaho para makatulong lang sa kanya.
Habang naglalakad ay nilagpasan ko yung simbahan at katabi nun ay isang daycare. Baka pwede ako magbantay ng bata sa daycare...pero naiirita din ako minsan sa mga batang inutil. Hindi ko nalang yun pinansin at nagpatuloy ulit sa paglalakad.
Excersise sa umaga para hindi inaantok sa klase. Pagdating ko sa school ay nakita ko agad si Aiden na naka-upo sa gilid ng gate.
"Oi, Aiden bakit tulala ka diyan?!" Agad naman siyang tumakbo papunta sakin at agad naman akong niyakap.
"Jake, himalaaa...pumasok ka na." Sabi niya at napatawa nalang ako.
"Maging himala lang kung papasok ako na graduation day na." Napatawa naman siya at sabay na kaming naglakad papunta sa classroom.
"Ano pala ginagawa mo nung nasa bahay ka lang ni Tiya Dina?" Tanong niya sakin.
"You dont wanna know." Sabi ko at agad naman siyang napatingin sakin na hindi satisfied.
"Ano nga ginawa mo, hindi ka kasi lumalabas kaya curious ako." Sabi niya. Ganun na ba katagal akong nasa kwarto? Baka yung iba hindi na nila alam ano mukha ko?
"Wala lang, tamang laro lang para sumaya naman ako Mentally at Physically." Sagot ko at agad naman siyang tumawa.
"Anong physically ka diyan, buti hindi ka nahuhuli ni Tiya Dina at Addison na gumagawa ng himala." Napatawa nalang kaming dalawa, Matagal na kami hindi nagkasama.
Minsan pumupunta siya sa bahay ni Tiya Dina kaso hindi ko siya pinapansin at nanatili sa kwarto ko, Hanggang ngayon ay medyo okay na ako.
Pumasok kami sa classroom at lahat sila ay nakatingin sakin. Okay lang ba kayo? Ngayon lang yata kayo nakakita ng pogi. (Ehem...feelingero ka Jake.) Agad namang lumapit yung mga kaibigan ko puro sila tanong ng tanong sakin pero hindi ko maalis yung tingin ko sa isang lalake.
Nung una kasi wala siya dito tapos ngayon nandito siya. "Woyy, Jake nasan na utak mo?" Nasa langit pre.
Tumingin ako sa kanya at agad naman siyang nagtanong ulit. "Dami niyong tanong daig niyo pa ang interview." Sabi ko at agad naman silang tumigil.
"You know, yang isa na yan ay bago yan, Badboy attitude pero matalino. Galing yan sa US tapos lumipat dito tapos private school siya dati pero last month lang nung wala ka dun pa siya lumipat dito." Sabi ni Aiden.
Badboy pala pero matalino tapos Half American. Nakinig nalang ako sa teacher at nung natapos na lahat ng class ay tinawag ako sa adviser ko.
"Uhm...Jake alam ko naman ano nangyari sa magulang mo pero yung grades mo ay bumaba na at kailangan mong kausapin bukas ang mga teachers mo para mabigyan ka nila ng ways para bumawi sa grades mo." Sabi niya at tumango naman ako.
"You know yung bagong kaklase mo na si Clifford ay magaling kaya pwede mo siyang kausapin bukas or maybe next week para magpa-Tutor." Sabi niya pero nagdadalawang isip pa ako sa Clifford na yan, Hindi pa kami masyadong close at baka maging kalaban ko pa siya tulad ng ibang tao dito sa Campus.
"Alam ko naman na makakabawi ka, Kaya mo yan Jake." Sabi ni Ma'am at agad naman akong pinauwi.
BINABASA MO ANG
Inlove with my Tutor
RomanceBL Series 3: Inlove with my Tutor. "After a month, Nung namatay ang mga magulang ko ay hindi na ako bumalik sa pag-aaral. Sabi ni Tiya Dina ay babalik daw ako kasi isang month na akong hindi nag aaral." Tuklasin ang buhay nina Jake Santiago at Cliff...