Day 25: Ferris Wheel
Jake's POV
Pumunta kami sa bumper cars, nagbayad siya at hinintay namin yung matapos yung iba. Pagkatapos ng iba ay agad na kaming sumakay sa isang bumper car at nung nagsimula na yung rides ay nakita ko siyang masaya kaya ngumiti naman ako.
Habang nasa rides kami siya nagmamaneho ay di ko maiwasan ang pagtingin ko sa susi na nasa leeg niya, Familiar kasi siya. Pinagpatuloy ko yung pag-enjoy ko sa rides at habang tumatagal ay parang lumabo yung paligid at naka-focus lang sa kanya.
Kung sakali man na may manggulo sa gabing ito, buti nalang na kasama ko siya. Ngayon ko lang napansin ang mata niya na kumikinang katulad sa mga bituin na nakatingin samin sa kalawakan. Tumigil na yung bumper cars at agad naman kaming pumunta sa kabilang ride, Madaming tao kaya naghihintay lang muna kami hanggang matapos yung iba.
"Look Jake, see that alignment of stars?" Napatingin ako sa kalawakan at nakita ko na may tatlong bituin na naka-align sa kalawakan.
"Oum, bakit?" Napangiti siya sakin habang hawak yung kamay ko. Ngayon ko lang din napansin na yung tatlong bituin ay nadagdagan ng iba pang bituin na gumawa na ng sariling constellation.
"Do you know that if a constellation has appeared, you could call it whatever you want?" Nagtataka ako sa sinabi niya kasi lahat ng nakikitang ganyan ay may pangalan na.
"Sure ka ba dyan?" Tanong ko sa kanya at nagsimula ng bumaba yung ibang tao sa ferris wheel at nagsimula na kaming sumakay.
"Oum sure na sure, i would call that Locuples constellaion." Locuples? Greek yan? Nakatingin lang ako sa kanya at nung nagsimula na yung ferris wheel.
"Clifford, salamat pala sa gabing ito. Feel ko wala ng mas sasaya pa sa ito." Sabi ko at napangiti naman siya.
"May kanta ako para sayo at sa kalawakan." Sabi niya at nagsimula na din siyang kumanta.
"O kay sarap sa ilalim ng kalawakan~ Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan.~" Sa buhay ko wala pang nagpaparamdam ng pakiramdam na ito, Baka si Clifford talaga ang itinadhana para sakin.
"Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan nating dalawa~." Baka binigay nila Mama at Papa si Clifford para tulungan ako bigyan ng hustiya at may magmamahal parin sakin kahit wala na sila.
Kahit ano man yan, basta ngayon masaya ako na kasama siya. Pagkatapos niyang kumanta ay pinikit niya mata at dahan dahang lumapit sa mukha ko.
Hindi ko alam ano gagawin ko pero biglang tumigil ang lahat at lumabo muli yung paningin ko. Bumilis yung takbo ng puso ko at habang nakatingin sa kanya ay nakangiti parin ako.
Pinikit ko mata ko at hinalikan siya, naramdaman ko na hinawakan niya pisngi ko habang naghahalikan kaming dalawa pero hindi ko na yun pinansin. Lalong bumilis yung tibok ng puso ko at nung tapos na kami ay napangiti kaming dalawa.
"That was amazing." Sabi niya sabay yakap sakin, niyakap ko siya pabalik at narinig na namin yung tunog ng bell. Nakita namin na mga tao ay bumaba na sa rides nila one by one at nung kami na yung bumaba.
BINABASA MO ANG
Inlove with my Tutor
RomanceBL Series 3: Inlove with my Tutor. "After a month, Nung namatay ang mga magulang ko ay hindi na ako bumalik sa pag-aaral. Sabi ni Tiya Dina ay babalik daw ako kasi isang month na akong hindi nag aaral." Tuklasin ang buhay nina Jake Santiago at Cliff...