22. WARNING‼️🚩

3.1K 65 2
                                    

WARNING SPG‼️🚩🔥 Please po, skip nalang ninyo kung hindi kayo nagbabasa ng malaswang eksena. Salamat guys!

****

PAGDILAT niya ay ang gwapong mukha ni Alaric ang nabungaran niya. Tulog pa rin ito. Nakatagilid ito habang nakaunan siya sa isang braso nito, ang isang braso naman nito ay nakayakap sa baiwang niya.

Tumingin siya sa mukha nito. Mula sa makapal at perpektong hugis ng kilay, magandang mata, pababa sa matangos na ilong, at nakaaakit na labi. Daig pa nito ang isang Hollywood actor sa sobrang gwapo.

Mahina niyang kinutusan ang sarili. Ano ba 'yan, Pamela! Nadadala ka naman palagi! Niloko ka niya, remember?!

Iniwas niya ang tingin sa mukha ni Alaric at binaling ang tingin sa malapad nitong dibdib. Inilapat niya ang palad sa dibdib nito at hinimas ito. Shocks! Ang tigas!

Ibinaba niya ang kamay sa tiyan nito kung saan naro'n ang kumpleto at matigas na abs nito. Nakagat niya ang labi nang tuluyan nang lumapat ang kamay niya sa abs nito na pangarap niya na mahimas— Wait, mahimas?!

Muli niyang kinutusan ang sarili. Shocks! Ito na naman siya, nawawala sa sarili!

Ikinuyom niya ang kamay at pumikit. "'Wag kang magpapadala, Pamela. Isipin mo na lang na hindi siya masarap—" Natigilan siya. Masarap kaya si Alaric! Ito ang ice cream niya!

Shocks! Ano ba ang nangyayari sa kanya?! Bakit ba nawawala na lang siya palagi sa sarili at nadadala!?

Bumuntong-hininga siya. Sabagay, mahal nga pala niya ang lalaki na nasa tabi. Mapait na ngumiti siya. Kahit gaano niya ito kamahal ay hindi mabubura ang sakit na ginawa nitong panloloko sa kanya.

Hindi siya nakapagpigil at iniyakap niya ang braso sa baiwang ni Alaric. Bakit hindi mo ako mahal, Alaric?

Hindi niya napigilan ang pagtulo ng luha niya. Bakit hindi mo ako magawa na mahalin?

Sinubsob niya ang mukha sa dibdib ni Alaric. Kung sana lang ay mahal siya nito, tatanggapin niya kahit na gamitin pa siya nito nang paulit-ulit.

TAHIMIK silang dalawa habang kumakain. Katulad ng araw-araw na nangyayari ay sa kwarto siya kumakain. Pero dahil nasa bahay ito ay sumasabay ito sa kanya.

"You like it?" tukoy nito sa pagkain. Tumango siya at nagpatuloy sa pagkain.

"I cooked all of this, Pam, for of you." Ngumiti si Alaric. "I'm glad you liked it."

Natigilan siya sa pagkain. Ito na naman si Alaric, nagpapakita ng dahilan kaya umaasa siya.

Kumuyom ang kamay niya. "Tumigil ka na..."

Awtomatikong nangunot ang noo ni Alaric at tumingin sa kanya. Bakas ang pagtataka sa gwapo nitong mukha.

"Hindi mo kailangan magpanggap na mabait sa akin. Hindi mo kailangan magpanggap na... na..." Pinigilan niya ang sarili na huwag mabasag ang tinig. "...para bang asawa talaga ang turing mo sa akin. Tigilan mo ang pagpapanggap na asawa ko."

Baka kasi hindi ko na gustuhin na umalis sa tabi mo.

Hindi nagsalita si Alaric. Nakita niya kung paano namuti ang kamao nito nang kumuyom iyon. Nagyuko siya ng ulo at itinuon ang mata sa pagkain na nasa harapan niya. May masama ba sa sinabi niya?

"I don't need to pretend, Pam, because we both knew that I'm your husband."

"And we both knew that you're just using me to seek revenge on your brother!" hindi niya mapigilang sabi. Naninikip ang dibdib niya sa sakit.

TRAPPED WITH HIM [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon