28.

2.9K 61 0
                                    

HABANG naghihintay kay Zoren na dumating ay panay ang tingin niya sa relo. Ngayon lang nahuli nang isang oras si Zoren sa pagsundo sa kanya. Hindi rin ito nag-text kaya naman nag-aalala na siya na baka may nangyari dito.

Nag-angat siya ng tingin sa sasakyan na huminto sa harap niya. Napatulala siya saglit nang makita na bumaba si Alaric at lumapit sa kanya.

"Pam." Saka lang siya natauhan nang magsalita ito sa harap niya.

"Anong ginagawa mo rito?" maanghang na tanong niya.

Saglit niyang sinuyod ng tingin ang kabuuan nito. Nakasuot ito ng t-shirt na asul at itim na khaki pants na binagayan ng puting rubber shoes. Naka-brush-up din ang buhok nito na bagay na bagay rito. Napansin din niya ang paglapad lalo ng katawan nito.

Nang mag-angat siya ng tingin ay nagkasalubong sila ng mga mata. Katulad ng dati ay nakaka-intimidate ang tingin ng berde nitong mga mata.

"Masama ba na sunduin ko ang asawa ko?" nakatitig sa mga mata niya na sabi ni Alaric.

Nag-iwas siya ng tingin. "Alaric, hindi mo ako kailangan na sunduin. May susundo na sa akin."

"Sa tingin mo, darating pa siya?" makahulugan nitong sabi.

Tumingin siya rito. "Oo, darating siya para sa akin," matapang na sagot niya.

Naging seryosong ang mukha ni Alaric. "Sumakay ka na ng kotse, Pam. 'Wag mong sabihin sa akin na makikipagtalo ka sa akin dito sa labas gayong..." Lumapit ito sa kanya at bumulong. "...pinagtitinginan na nila tayo."

Nilibot niya ng tingin ang paligid. Tama ito, marami na ang nakatingin sa kanila. Sigurado siya na marami ang magtatanong sa kanya kung sino ang lalaking nasa harapan niya ngayon. Mati-tsismis pa siya dahil dito.

Bumuga siya ng hangin at inis na tumingin kay Alaric. Pinagbuksan siya nito ng pinto ng kotse. Nakita pa niya ang pagngisi nito nang pumasok siya.

"Bakit kasi kailangan mo pa akong puntahan dito?" inis na pakli niya. Hindi ito nagsalita at pinaandar na lang ang sasakyan.

Nang makarating sa tapat ng bahay niya ay hindi siya bumaba. Inilahad niya ang palad kay Alaric para hingin ang dukomento na kailangan niyang pirmahan. Wala siyang balak na papasukin ito sa bahay niya. Wala siyang tiwala sa lalaking ito.

"Nasaan na ang pipirmahan ko?" Nanlaki ang mga mata niya nang hawakan nito ang kamay niya at halikan. "Alaric!"

Ramdam niya ang paggapang ng kakaibang pakiramdam sa katawan niya. Shocks! Ngayon na lang ulit siya nakaramdam ngl ganito!

Mahina itong natawa. "Ang ganda mo, Pam, lalo na kapag namumula ka."

Napahawak siya sa mukha. Ramdam niya ang pag-iinit ng pisngi niya. Kainis! Ano ba ang ginagawa ni Alaric at nagkakaganito na naman siya?

"Hindi ako nagbibiro, Alaric," nakairap na sambit niya.

"Pakainin mo naman ako, Pam. Hindi pa ako kumakain."

"Bakit hindi ka na lang kumain sa mga restaurant—"

"Na-miss ko ang luto mo, Pam," putol nito sa kanya.

Tila may bumara sa lalamunan niya at hindi niya nagawa na magsalita pa. Naalala niya na nag-aral pa siya na magluto para dito noon. Isa 'yon sa katangahan na nagawa niya dahil sa lalaking ito.

"Hindi ka welcome sa bahay, Alaric. Alam mo naman 'yon, 'di ba?" matapat niyang wika.

Rinig niya ang pagbuga nito ng hangin. "Ako tuloy na asawa mo, hindi welcome sa bahay mo. Samantalang ang lalaking 'yon, welcome dito," may pagkabanas na sabi nito.

TRAPPED WITH HIM [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon