Pagkahatid ni Zoren sa kanya ay nakita niya agad sina Vera at Nikka. Bakas sa mukha ang sobrang pag-aalala nito sa kanya.
"My god, Pamela! Where have you been?!" tanong agad ni Vera.
"Sabi ko naman sayo, 'di ba? Dapat talaga, pinigilan natin siya kanina."
Yumakap sa kanya ang dalawa.
"Pumunta lang ako rito para sabihin na ayos lang ako, guys. Uuwi na rin agad ako—"
"What?!" Halos mabingi siya sa tinig ni Vera.
"Kailangan naming mag-usap ni Alaric, guys. I want to clear everything between us. Magtatapat na rin ako sa kanya na mahal ko siya—"
"Tanģa ka ba? Bakit ka pa aamin? Sasaktan mo lang ang sarili mo, Pamela!" inis na pakli ni Nikka.
Nagyuko siya ng ulo at pinahid ang luha. "Kailangan, Nikka. Baka kasi hindi lang kami nagkakaintindihan ngayon. Kailangan lang siguro naming maamin sa isa't isa—"
"Paano kung hindi ka niya mahal?"
"R-Ramdam ko na mahal niya ako," umiiyak na sambit niya.
Bumakas ang awa sa mukha ni Nikka. "I'm sorry, Pamela. Nag-aalala lang ako sayo." Tumalikod na ito sa kaniya. "Itatakwil kita 'pag nagpakabaliw ka sa lalaki, tandaan mo 'yan."
Ngumiti siya at tumango. Alam niya na biro lang 'yon ni Nikka.
"Shut up, Nikka. Nabaliw ka naman kay Miguel—" Natahimik si Vera nang samaan ito ng tingin ni Nikka.
Tahimik siya habang nasa biyahe. Nagpasya ang dalawang kaibigan na ihatid siya. Habang nasa biyahe ay hindi niya maiwasan ang makaramdam takot sa dibdib. Ang dami niyang gustong sabihin kay Alaric at marami rin siyang gustong itanong dito.
"Pamela, you know where to find us. If something happens, just call us, okay?" bilin ni Vera bago pinaandar ang sasakyan.
Mabilis na yumuko saka bumati sa kanya ang mga gwardiya bago siya pinapasok. Nag-aalalang mukha ni Manang ang bumungad sa kanya. "Ma'am Pamela, mabuti at dumating na kayo," agad na bungad nito. "Si Sir Alaric, alalang-alala na sayo, Ma'am."
Kahit paano ay nakaramdam siya ng saya nang malaman na nag-aalala sa kanya ang asawa niya. Tama nga siya, may hindi lang sila pagkakaintindihan. Kaya ngayon ay magtatapat siya sa asawa niya. Sasabihin niya ang nararamdaman niya para dito. Magtatanong din siya tungkol sa nakita niya kanina, hihintayin niya ang paliwanag nito dahil alam niya na mahal din siya ng asawa niya.
Sinuklay niya ang mahabang buhok gamit ang kamay. Maging ang mukha niya ay inayos din niya. Pinilit niyang magpaskil ng ngiti sa labi kahit na gusto pa ring tumulo ng luha niya dahil sa nakita kanina.
Pamela, relax!
Habang naglalakad papunta sa sala ay natigil siya sa paghakbang. Akala niya ay nag-iisa si Alaric pero hindi pala dahil kausap nito ang kaibigan na si Zandro. Nakaupo ang asawa niya sa isang single couch habang may hawak na brown envelope at binubuksan iyon samantalang si Zandro ay may hawak na baso ng alak sa isang kamay.
Napalabi siya at tumalikod. Bukas na lang siguro niya sasabihin sa asawa ang lahat.
"Pamela is your wife now, Alaric." Natigil siya sa paghakbang nang marinig ang pangalan niya. "Nagtagumpay ang plano mo na maikasal kayo nang pumasok ka sa kwarto niya. All your plan was successful, kaya ano pang balak mo?"
Tila nabingi siya sa narinig. Plano ni Alaric ang lahat? Ang pagpasok nito sa kwarto niya? Para saan?! Hindi niya maintindihan. Ano bang ibig sabihin ni Zandro?