MATAPOS maglagay ng manipis na make-up sa mukha ay lumabas na siya ng kwarto. Natulala pa si Zoren nang makita siya.
Isang red backless evening gown ang suot niya. Itinali niya ang lahat ng buhok niya para makita ang ganda ng suot niya sa likuran, maging ang suot niyang sandals na three inches ang taas ay kulay pula rin.
She want to wear a color pink gown, but later on, she changed her mind. May naaalala kasi siya.
Agad na pinigil niya ang utak sa pag-iisip ng kung ano-ano. Baka kung saan pa umabot ang isip niya.
"You look stunning, Pamela," manghang sambit ni Zoren habang nakatingin sa kanya.
Nginitian lang niya ito. Inalalayan siya nito na sumakay ng kotse. Ngayon ang araw ng annual party nila Zoren na gaganapin sa isang sikat na hotel dito sa Isla San Diego.
Habang sakay ng kotse ni Zorena ay nakatingin siya sa labas ng sasakyan. Napakaganda ng lugar. Bawat madaraanan ay kulay berde at dagat. Mistulang paraiso ang Isla San Diego kaya marami ang gusto na dumayo rito. Pero hindi maaari dahil ang Isla San Diego ay isang pribadong isla na pwede lang sa mga taong nakatira dito.
Pwede namang pumunta rito para magbakasyon pero hindi pwede na lumagpas ng isang linggo. Iyon ang patakaran sa lugar na ito para hindi masira ang magandang lugar at mapanatili ang kalinisan.
Pagdating nila sa hotel ay inalalayan siya ni Zoren na bumaba. Pumalibot din ang braso nito sa baiwang niya na hinayaan na lang niya.
Agad na nagbatian si Zoren at ang mga kapwa nito doktor nang magkita. Tanging tipid na ngiti lang ang ginagawad niya sa mga kaibigan ni Zoren kapag binabati siya at kinakausap.
"This is Pamela, my fiancée," nakangiti na pakilala ni Zoren sa kanya.
Natigilan siya. Fiancée? Rinig niya ang pag-congratulate ng mga ito sa kanila. Hindi niya magawa na magsalita hanggang sa umuwi na lang sila.
Hindi kumikibo si Zoren nang pumasok sa bahay niya. Hindi rin siya nito tinatapunan ng tingin. Napabuntong-hininga siya at hinawakan ang kamay nito. Hindi siya sanay na ganito ito sa kanya.
"Ayos ka lang ba?" tanong niya rito.
Bumuga si Zoren ng hangin. "Ikaw, Pamela, ayos ka lang? Ikaw ang dapat tanungin ko niyan. Simula nang sabihin ko na fiancée kita, bigla kang nag-iba. What's wrong if I told them about you? Masama ba na sabihin ko na fiancée kita?" Halata na masama ang loob nito sa kanya. Hindi siya nakapagsalita.
"Ang sabi mo sa akin, hindi mo ako iiwan, Pamela, but I have this feeling na iiwan mo ako. H-Hindi ka ba masaya sa akin? Sa atin?" Basag ang boses ni Zoren na parang iiyak na anumang oras.
Nakaramdam siya ng awa rito at inis sa sarili. Hindi man lang niya napansin na gano'n na pala ang pinararamdam niya rito.
Yumakap siya rito. "I'm sorry, Zoren. Pasensya ka na kanina. Nabigla lang ako dahil pinakilala mo akong fiancée mo."
Bumuntong-hininga ito at gumanti ng yakap sa kanya. "I love you, Pamela."
Lumayo ito sa kanya at hinawakan ang mukha niya. "Ano bang pumipigil sayo na mahalin ako? Siya ba?" Napalunok siya at nag-iwas ng tingin. "Pamela, naman. Ako ang nasa tabi mo ngayon. Ako ang kasama mo. Ako ang narito para sayo. Ako ang nagmamahal nang totoo sayo."
"Zoren—" Natigil siya sa pagsasalita nang sakupin nito ang labi niya. Hindi niya nagawang gumalaw sa gulat.
"Ako ang nagmamahal nang totoo sayo."