30.

220 6 0
                                    

PUPUNGAS-PUNGAS na tumayo siya mula sa pagkakahiga. Suminghot siya nang makalanghap ng pagkain. Nagmamadali siya na lumabas para pumunta sa kusina.

Napaawang ang labi niya nang makita si Alaric na nagluluto habang nakatalikod na tanging boxer shorts at sando na kulay puti lang ang suot. Ngayon rumehistro sa isip niya na narito nga pala ang asawa kuno niya.

Nag-iwas siya ng tingin at lihim na napalunok. Shit, ang hot ni Alaric tingnan kahit na nakatalikod.

Easy, Pamela! 'Wag kang magpapadala!

Tumikhim siya. "Dapat umuwi ka na sa bahay mo. Bakit narito ka pa rin?"

Nakangiti na lumingon sa kanya si Alaric. "Good morning, Pam. Nagluto ako para sayo."

Iniwas niya ang tingin sa gwapo nitong mukha. Shocks! Bakit sobrang gwapo naman ng lalaking ito!

"Walang good sa morning ko dahil nakita kita, Alaric," turan niya sabay irap.

Mahinang natawa si Alaric. "Talaga ba, Pam? Kaya pala tumutulo na ang laway mo ngayon?"

Nanlaki ang mga mata niya at agad na kinapa ang gilid ng labi. Napabusangot siya nang mapagtanto na naloko siya nito.

"I'm just kidding, Pam. 'Wag mo naman akong tingnan ng ganyan na para bang gusto mo na akong kainin—"

"Tumahimik ka ngang lalaki ka! Ang aga-aga mo naman mambwisit!" pikon na singhal niya pero ang loko, tinatawanan lang siya.

"Mabuti pa at kumain ka na. Gutom ka lang yata kaya ang sungit mo nang ganito kaaga." Naghain ito sa mesa at pinaghila pa siya ng upuan.

Paanong hindi siya magsusungit kung narito pa rin ito sa bahay niya?! Nagsabi na nga siya na bawal ito rito pero hindi man lang nakinig. Ngayon tuloy ay nanganganib na naman ang puso niya. Nanganganib na mahulog na naman siya nang matindi.

Habang kumakain ay panay ang tingin ni Alaric sa kanya kaya hindi niya maiwasan ang makaramdam ng pagkailang. Alam naman niya na maganda siya pero ano pa ba ang ibang dahilan ng pagtingin-tingin nito? May gusto ba itong sabihin sa kanya?

Kinuha niya ang baso sa tabi niya at saka uminom ng tubig. "Kung may sasabihin ka, sabihin mo na. Ano ba 'yon?"

Binasa ni Alaric ang labi at bumuntong-hininga. Tumitig din nang seryoso ang berde nitong mga mata sa kanya. "About what I told you last night, I'm serious, Pam. From now on, dito na ako titira because I want to be with you."

Malakas na binaba niya ang baso na hawak sa mesa at nawalan ng emosyon ang mga mata na tumingin nang diretso kay Alaric. Hindi siya makapaniwala na ipipilit pa rin nito ang gusto. Bakit hindi ito makaintindi?

"Pwede ba, Alaric, 'wag mo akong daanin sa 'I want to be with you' mo! Hindi mo ako madadala sa ganyan mo. Saka bakit ba ang kulit mo? Paulit-ulit na lang ba? Sinabi ko naman sayo, 'di ba, na may kanya-kanya na tayong buhay ngayon? Mag-asawa na lan tayo sa papel kaya there's no point for us to live together—"

"No buts. I will live here no matter what you say, Pam." Gumuhit ang ngisi sa labi ni Alaric. "Baka naman natatakot ka lang na mahulog sa akin?"

Namumula ang mukha na napatayo siya sa kinauupuan. Ano raw?!

"A-Ano bang sinasabi mo!? Hoy, kilabutan ka nga! Hindi na kita m-mahal, 'no!" Ang kapal naman ng mukha ng lalaking ito! Wow, ha! Siya, natatakot na mahulog dito? Nasobrahan na sa kapal ang mukha ni Alaric!

Natigilan si Alaric sa huling sinabi niya. Maging siya ay natigilan din. Naging blangko ang ekspresyon ni Alaric. Maging ang berdeng mga mata nito ay nawalan ng buhay na nakatingin sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TRAPPED WITH HIM [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon