29.

2.2K 35 0
                                    

PANAY ang tingin niya sa relo. Katulad kahapon ay hindi na naman dumating si Zoren. Kinuha niya ang cellphone nang tumunog ito.

'Pamela, hindi kita masusundo ngayon. Pasensya na.'

Binalik niya ang cellphone sa bag. Naiintindihan niya. Alam niya naman na busy itong tao.

Napairap siya nang makita ang pagparada ng pamilyar na sasakyan sa harap niya. Nakangiti na lumapit sa kanya si Alaric. Pansin niya ang magulong buhok nito pero napakagwapo pa rin.

"Wala pa rin yata ang sundo mo? Sumakay ka na at ako na ang maghahatid sayo."

Hindi na siya nakipagtalo. May gusto rin siyang sabihin dito kaya sumakay na siya. Gusto niya itong makausap.

Nang makarating sila sa bahay niya ay pinapasok niya ito. Nagtimpla siya ng kape para dito. Ngiting-ngiti ito habang nakatingin sa kanya.

"Alaric, bakit mo ginawa kay Zoren 'yon?" agad na tanong niya. Nawala ang ngiti sa labi nito. "Wala naman siyang kasalanan sayo kaya bakit ganyan ka sa kanya? Ano ba ang problema mo? Maghihiwalay na tayo, Alaric. Gusto ko sana ng tahimik at walang gulo na hiwalayan. Tigilan mo na rin ang pagpunta sa rito sa bahay ko. Kahit ang pagtingin mo sa akin mula sa malayo, tigilan mo na dahil ayoko na makita ka ni Zoren na narito sa bahay ko."

"Pam, wala kang alam." Malamig na ang ekspresyon ng mukha ni Alaric ngayon habang nakatingin sa kanya.

Mapakla siyang natawa. "Walang alam? Sabagay, tama ka naman diyan. Ang alam ko lang naman ay ginamit at niloko mo ako noon, Alaric. Tama ba? Kung hindi pa narinig ng mismong tainga ko ay wala naman talaga akong malalaman, right? Kasi nga, pinagmukha mo akong tanga!" hindi na niya napigilang singhal dito.

Pumikit siya para pakalmahin ang sarili. Pilit na pinigilan din niya ang luha sa mata bago dumilat at sinalubong ng tingin ang kaharap.

"Alaric, 'di ba, gusto mong sumaya? Ito na 'yon, magiging masaya ka na. Kaya nga dineklara mong patay na ako, 'di ba—"

"Damn! Who told you that?!" galit na singhal ni Alaric. Nakatayo na ito ngayon at galit na galit ang mga mata na nakatingin sa kanya.

"Hindi mo na kailangan malaman—"

"Hindi ako tumigil sa paghahanap sayo, Pam!" putol ni Alaric sa kanya. "K-Kahit na may nakitang bangkay at nag-match sa DNA mo, hindi pa rin ako tumigil sa paghahanap sayo because I knew that you're alive. I can feel it. Kahit kailan, hindi ako naglabas sa media ng kahit anong balita tungkol sayo. Putang ina naman! Sino ba ang nagsabi sayo n'yan!?"

Napamaang siya sa sinabi nito.

"K-Kahit kailan, hindi kita pinatay sa isip at puso ko, Pam. I spent too much time just to find you. I spent years to find you because I don't believe that you're dead." Lumapit ito sa kanya at itinaas ang mukha niya na ngayo'y umiiyak na. "Nahirapan akong hanapin ka, Pam. Someone is blocking all your information that's why it took me years to find you."

Muling tumulo ang luha niya. "S-Sa tingin mo, maniniwala ako sayo?" Natigilan si Alaric sa sinabi niya. Wala na ang galit sa mga mata nito ngayon.

Tumingin ang mga mata nito sa labi niya at napalunok. "It doesn't matter now, Pam. Ang mahalaga ay nahanap kita." Bumaba ang mukha nito at nilapat ang labi sa labi niya.

Napapikit siya pero agad rin itong itinulak nang maalala si Zoren. Shocks! Muntik na siyang magpadala!

Bumuntong-hininga si Alaric. "I'll go ahead, Pam. Lock your door. Ayokong makita na nagpapasok ka ng ibang lalaki sa bahay mo maliban sa akin," seryosong saad nito. "I'm still your husband, so follow my command," sabi nito bago umalis sa harap niya.

TRAPPED WITH HIM [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon