[Pamela]
IT'S BEEN two weeks. Nagawa niyang iwasan si Alaric sa loob ng dalawang linggo.
Pagkatapos niya itong lutuan tuwing umaga ay umaalis na agad siya ng bahay para pumasok o kaya pumunta sa mga kaibigan niya. Hindi niya kasi kaya na tagalan ang presensya nito. Parang bibigay siya anumang oras.
Sabay-sabay silang natawang magkakaibigan sa pinanonood na comedy movie. Inabot niya ang cellphone nang tumunog iyon. Natigil siya sa pagtawa nang mabasa ang message ni Alaric sa kanya.
'I miss you, Pam.'
Hindi na ito tumatawag sa kanya at ngayon lang ulit ito nag-message sa kanya sa loob ng dalawang linggo. Pinatay niya ang cellphone at muling nanood. Pero kahit ano ang gawin niya na panonood ay hindi na maalis sa isip niya ang pinadalang message ng asawa niya.
Asawa? My god, Pamela! Tigilan mo nga ang pagiging maangkin kay Alaric! Hindi ka niya gusto, okay?
Pumikit siya at bumuga ng hangin. Hindi siya pwedeng magpaapekto dahil lang sa isang 'I miss you' ng asawa niya. Kailangan niya panindigan ang pagpatay sa damdamin niya kay Alaric. Hindi pwede na umusbong pa iyon dahil kawawa lang siya sa bandang huli.
Muling nagtawanan ang mga kaibigan niya habang siya ay naging tahimik na. Hindi niya talaga kaya na alisin si Alaric sa utak niya!
Tumayo siya at pumunta sa kusina. Kumuha siya ng tubig sa fridge at saka uminom.
"Ayos ka lang?" tanong ni Nikka sa kanya. Kumuha ito ng ice cream at inalok siya pero tumanggi siya.
"Sa tingin ko ay mababaliw na ako," pagtatapat niya rito. "I... I can't get him out of my mind. Sa tingin ko, mahihirapan ako na alisin siya sa sistema ko."
Tinapik siya nang mahina ni Nikka sa balikat. "Taena, hirap magbigay ng payo. Hindi pa naman kasi ako nagkaka-boyfriend. Pero kung bibigyan ako ng chance na makasama si Miguel at mahalin siya..." Gumuhit ang ngiti sa labi ni Nikka. "I'll do everything to make him fall in love with me."
HINDI maalis sa isip niya ang sinabi ni Nikka sa kanya. Can she make Alaric fall for her? Paano kung hindi?
Kinuha niya ang cellphone at ini-on iyon. Sunod-sunod na messages ni Alaric ang bumungad sa kanya.
'Pam, let's talk.' Wala naman silang dapat na pag-usapan.
'Busy ka ba?' Hindi, pero syempre, hindi niya sasabihin 'yon.
'Nasaan ka?' Bakit kailangang sabihin niya pa rito?
'Alam ko na wala kang pasok ngayon. Nasaan ka at susundin kita.' Susunduin? Bakit pa?
Bakit kailangang mag-text pa ito sa kanya? Kaya lalo lang umaasa ang puso niya dahil sa paganito ni Alaric, e!
"Mag-reply ka na lang. Hindi 'yang halos para kang bata na nakanguso r'yan," giit ni Yuri habang nakatingin sa kanya. Inayos niya ang mukha niya. Kanda-haba kasi ang nguso niya habang binabasa ang messages ni Alaric sa kanya.
"Bakit ako magre-reply? Bahala siya sa buhay niya." Tinaas niya ang paa at isinandal sa pader.
"Shit!" Biglang tumalon sa kama si Vera. Tumabi ito sa kanya at isinandal din ang paa sa pader.
"Ngiting-ngiti, ah? Anong mayro'n? Party na naman?" Hinala ni Yuri habang nakatingin kay Vera.
"Hindi ito basta party lang, guys. Imagine, kapag nalaman ni Nikka ito, sigurado na matutuwa siya!" Masaya na dumapa si Vera, kaya gano'n din ang ginawa nila ni Yuri. "One of my friends invited me as his date to Miguel's party!"