03 : Marked Luna

472 34 6
                                    

Being calm seems like not the best option to feel right now. Papalapit na nang papalapit ang mga oras. Pakiramdam ko ay unti-unti akong nauubusan ng kalayaan habang pumipitik ang orasan. Animo ba ay may kung anong hindi ko mawaring mangyayari habang tumatagal.

"Are you going out again, Antara?" si Biya. Narito siya ngayon sa kwarto ko kagaya ng nakagawian niya. Ang tumambay dito. "Gabi na, e. Baka mahuli ka ni Papa or something. Kahit naman busy sila sa mga ginagawa nila e hindi nila tayo nakakaligtaang bantayan."

"Alam ko namang kaya mong palusutan iyon, e."

"Hala bahala ka riyan. Ako na naman?"

"E siyempre sino pa ba? Mabubusy na rin naman tayo next week so I need to go to Ignis tonight." I smiled but I know to myself that the thought of being busy and not spending time with Ignis is making me hurt. "Saka isa pa, we won’t know for sure what will happen on my birthday."

"Yeah," sang-ayon ni Biya sa akin. Humilata pa siya sa kama at para bang dismayado rin sa kaniyang iniisip. "Did you talk to Ignis about the fact that you will have to suit yourself with a potential alpha?"

Hindi ako sumagot kakaagad kahit na alam na ko na ang sagot sa tanong na iyon. For some reason, I do not want to think about how confident Ignis is about the issue. It is still making me mad. Dahil hindi ko sinagot ang tanong ni Biya, alam na alam kong naiintindihan niya ang ibig sabihin ng katahimikan ko. She just stayed still on my bed while I am admiring the little peaking of the moon. Nag-uumpisa na kasi iyong sumilay. Mayamaya rin lamang ay alam kong bilog na bilog na iyon at mas nakakaakit. It is still not the full moon, but the moon is already so beautiful.

"Antara, you know that I have high intuitions, right?"

Napalingon ako kay Biya mayamaya nang itanong niya iyon sa akin. Now that I looked at her, she’s all ready to face my eyes. It is as if she is about to tell me something major that will shock me. But it is all good because it is Biya. I know that I can trust my life with her. She even lets me see her transform more than my other siblings even if it is not the full moon to begin with.

"What is it?"

"Am I a Tita already?"

Napapangiti at naniningkit ang kaniyang mga mata habang tinatanong ako. Hindi naman ako makahuma sa narinig ko. I know that my face is priceless right now and she now knows for sure that I have given her the answer she is wanting to hear and see.

"Biya…"

"Do not worry dahil sa'yo pa rin ako." she giggled. "Sige na go. Go to your human now. Bilisan mo ah para hindi ako malagot. Tss." Pagrereklamo pa nito. "Ingat!"

After that, she left my room with a kiss. Hindi talaga ito tatahan hangga’t hindi ko siya nabibigyan ng atensyon. She always wants to be clingy with me kahit na madalas akong iritable sa buhay ko. She understands me the most. She is like the little sister I never had. Well, she is my sister after all.

I changed my clothes silently. I wore a big and comfortable jacket to suit myself. Para na rin hindi na ako maconscious sarili kong katawan. Bago pa nga ako umalis ay siniguro kong tulog na ang ilan sa mga kapatid ko at abala naman ang ilan sa kani-kaniya nilang mga ginagawa. Biya paved the way to let me sneak out again. After two minutes, I am on my way down with only the adorable moon lighting my way. Malamig ang simoy ng hangin na nagustuhan ko. Even the sky is kind enough to let me have the right amount of light on my way down the mountains. Maingat kong binaybay ang daan. Walang lingon-likod at walang pagdadalawang isip. I miss my human so much even though it has just been two days since we last saw each other. Sa hinaba-haba naman ng nilakad ko ay matagumpay akong nakarating sa kaniyang bahay. Hindi naman ako hiningal ngunit medyo nangalay ang paa ko sa kakalakad ko sa matatarik na daan. Doble rin ang pag-iingat kong mapamali ng pagtapak at madulas.

Your Ring On My SkeletonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon