Ilang minuto rin ang lumipas bago ako tuluyang tumigil sa pag-iyak noon. He was just watching me confused as I cry myself out. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko noon kung bakit komportableng-komportable ako sa kaniyang umiyak nang malakas.
"Bakit ka nandito pala?" si Nikolai. "Lagi kitang nakikita sa may bangin na 'to, e. Nasisira iyong tanawin ko."
I just looked at him. Kahit na medyo humihikbi pa ay mas tahimik naman ako kaysa kanina. Nang hindi ako sumagot sa kaniya ay nagpatuloy siya sa pagsasalita na para bang walang nangyari. Hindi niya pinansin ang hindi ko pagpansin sa kaniya.
"Are you looking and hoping to see the dragons?" he asked.
Doon na niya nakuha ang atensyon ko. Natigil ako sa paghikbi at agad na napatingin sa kaniya nang namamangha. Ito ang unang beses na may ibang nakakaalam sa mga dragon maliban sa akin at kay Mama Artilla.
"There really are dragons here?"
"Yes," he said. "Sabi ng lolo ko. He said that they lived with humans before and still living with them until now. Hindi lang daw sila nagpapakita dahil masasama na raw ang mga tao ngayon. There are legends that says they frequent on this cliff."
"That is what my Mama told me. Nakita niya raw dito ang dragon dati. It has the same red eyes as mine. Hinahanap ko siya para dalawa na kaming may mapulang mata. Ang sabi kasi ni Mama ay kasingganda raw noon ang mata ko. Matapang at kakaiba."
"Yes. They said it looks like blood. The darkest blood."
"Sinabi rin ba sa iyo ng lolo mo iyon?"
"Oo. It is said that someday they will come to protect an interesting cub." pagpapatuloy niya. "They will let the humans see their existence again just to protect a child with the first cross of genes in history."
Nangunot ang noo ko.
"My Mama never told me that." I sighed. "Ang sabi niya lang ay nakita niya iyon dito bago siya manganak sa akin kaya sabi niya baka iyon daw ang senyales na suwerte ako sa pagpapakita ng mga dragons."
"Suwerte ka riyan e malas nga nickname mo sa kabundukang ito, e. Kaya nga loner ka. Lagi ka rito naghahanap ng karamay mong may mga pulang mata. Tss."
"E bakit sabi mo parehas tayong malas?"
Hindi siya sumagot. Ibinaling din ang tingin sa kanang bahagi bago siya magsalita muli.
"The legend said that the dragon fell in love with a human. She abducted a man and ate it kaya raw sila nagkaanak."
Nagulat ako. Nangangain ang mga dragons? Kung ganoon, baka kainin nila rin ako.
"Pero hindi ako naniniwala. Dragons are just like us wolves. They can transform. I am pretty sure that the man fell in love with her too that is why they had kids."
BINABASA MO ANG
Your Ring On My Skeleton
Hombres LoboAntara Loki, the youngest born of the pack is quiet until her dominance is about to be questioned for bearing an interesting cub of a human she once desired to protect. A human she didn't know will be the start of the legend's kiss the histories did...