I stared at Nikolai for seconds, but it was the same deeply asking eyes the whole time. The eyes that wanted to tell a lot of things, yet he cannot because of the wolves around us. It is not hard to read him. He never hides his feelings and what he wants me to know.
He is curious about those humans and more.
"Ahm," sambi ko at napatingin pa kay Anika. "Let's go. We need to assess the situation at least."
Muli akong tumingin kay Nikolai na ngayon ay tahimik na lang. Sa hindi ko inaasahan ay tumayo na rin sina Biya, Nikolai, at Shawn saka tumingin sa akin. Sasama sila ngayon patungo sa bangin kung saan naroroon ang sinasabi ni Anika na mga taong sugatan na posibleng inatake ng ilang mga lobo. It is the obvious initial reaction I am expecting from them, yet a part of my system disagrees. Parang ayaw ko silang isama at tingnan nga ang sitwasyon lalong-lalo na si Shawn Inui dahil sa kakayahan nito.
"Humans. Hindi talaga sila nadadala eh 'no?" si Biya na napapailing pa habang naglalakad. "Alam na alam na nilang may mga sabi-sabi at warning na na ukol sa mga lobo rito sa kabundukan eh hala sige pa rin ang kakamountain climbing tapos mali-mali naman ang daan. May trail na nga na nilagay sa mga safe na area eh. Tsk. Tsk. Napakatitigas ng mga ulo. Mabuti sana kung iisang pack lang tayo rito and they will be safer at least. Tss."
"They must be lost." si Shawn.
"Antara, sasakay ka sa akin? Mainit ang sikat ng araw eh."
"No." sabay iling ko. "We should not flash the people. We should appear like this and not as wolves. Kung inatake man sila ng ibang mga lobo, huwag na nating dagdagan ang kanilang takot."
Sumang-ayon naman silang lahat sa akin. Nagpandong lang ako ng makapal na shawl kahit papaano para hindi ako mainitan. Shawn, Nikolai, Biya, and Anika seems just to be fine by the strong rays of the sun hitting on their skin. Parang wala lang iyon sa kanila pero sa akin ay hindi. Para bang sensitibo ako rito.
Ilang minuto lang naman kaming naglakad patungo sa may bangin at doon namin naabutan si Benice at dalawa pang warrior wolves na nakatingin sa ibaba ng bangin at nakabantay dito. Hindi nila iyon nilulubayan ng tingin at hindi rin naman agad-agad na pinakialaman. Hinihintay talaga nila ang dumating kami.
"Tatlo sila. Naghihingalo na ang dalawa." si Benice. "Nakita ko silang naglalakad kanina at dito lang sila nagtigil na malamang ay dahil sa pagod at sakit na dala ng kani-kanilang nga sugat. They came from the Porte home's direction."
Agad akong napatango nang marahan. That makes sense. Porte wolves from those attacks humans who tries to trespass even unintentionally. For some reason, their whole pack hates humans ever since. Hindi na ako magtatakang kung may maligaw mang mga tao roon ay lalabas nang sugatan mula sa kanilang teritoryo. I just sighed. Sa hindi ko malamang dahilan ay para bang dapat akong maghanda. Inalalayan naman ako ni Nikolai at sinamahan patungo sa may bangin upang sumilip doon at tingnan nga ang mga tao.
His hands are cold, yet I did not ask about it. Instead, I focused myself on looking down. Malalim ang bangin ngunit unang tingin ko pa lamang sa sinasabi nina Benice ay halos mahulog ang puso ko.
I know them.
Napahawak ako sa sentido ko sa biglaang kaba at emosyon. Kung hindi ako hawak ni Nikolai ay baka natumba na ako sa ngayon.
BINABASA MO ANG
Your Ring On My Skeleton
Hombres LoboAntara Loki, the youngest born of the pack is quiet until her dominance is about to be questioned for bearing an interesting cub of a human she once desired to protect. A human she didn't know will be the start of the legend's kiss the histories did...