13 : Marking Eyes

310 22 3
                                    

Tulala ako ngayon sa bahay habang tinutunghayan sa labas ang namimilog pa ring buwan. Isang oras ngayon mula nang matapos ang kasal namin ni Nikolai. All the wolves are celebrating yet it is not the same case to me. Kahit papaano naman ay nakatakas ako sa kanila at nakahanap ng kaunting katahimikan. Sa gitna ng pagkadismaya at mga hindi mabilang na buntong-hininga ay takot at bigat lang ng dibdib ang nararamdaman ko sa kasal na ito. Hindi ako natutuwa kagaya ng kakaunting bilang ng mga nasa Loki pack. Well, at least that is what I saw from them.

How can I tell Ignis about this?

Halos maiyak na ako habang iniisip ang kaba sa tuwing maaalala ko ang natuklasan namin ni Nikolai sa bangin kaninang umaga. Hindi nawawala iyong takot sa sistema ko kahit pa nga mas pinili kong huwag iyong paniwalaan at pakaisipin. I should strongly believe that Ignis is safe. He should be safe. Paulit-ulit kong itinatanggi ang mga posibilidad na T-shirt nga iyon ni Ignis. Ang nakita ni Nikolai na wasak wasak na damit at may bahid ng mga dugo, the faint smell of his perfume and the confirmation from Nikolai about his scent. Sabihin ko mang imposible pero hindi. He must had overthought and gone there even breaking our promise to only go there after three days.

"Luna,"

Natigil lamang ako nang marinig ko ang boses ni Tita Belle. Siya ang kumakatok sa may pintuan na agad kong dinaluhan at pinagbuksan. Marahang pagngiti niya ang agad na tumambad sa akin at hindi ko napigilan ang yakapin siya kakaagad nang mahigpit.

"Tita Belle," I almost burst out of too much emotion, yet I did not. Pinili kong huwag maging mahina. I put on a fake smile before talking. "I don't know what to do."

Katahimikan muna ang bumalot sa amin bago ko maramdaman ang mahinang paghagod ng mga kamay niya sa likuran ko na animo ba ay inaalo ako. Nagtagal iyon nang halos isang minuto kagaya ng pagyayakap namin bago siya na rin mismo ang kumalas.

"Artilla always knew you'll be the next Luna of the Lokis." she smiled. "Hindi ko alam kung paano niya nalaman o kung paano iyon mangyayari but I have always rooted for you. Natutuwa ang Tito Bana mo na ikaw nga ang Luna ng ating teritoryo. He knows for some reason that you will do well."

"Pero Tita si Benice po,"

"Hayaan mo ang anak ko. Kami na ang bahala sa kaniya."

"Hinahanap ka na ng Alpha but he seems to know where you are, so he doesn't seem to be worried." she said. "Our new alpha is a savage yet in my eyes, he is a soft man. Ewan. Baka ganoon talaga kapag dati kang Luna. You know how to label an Alpha even with a very controversial name. I know he will treat and protect you well."

"Nikolai is a good wolf, Tita. I know."

"But be wary, anak. Not all who are kind will be kind until the end. Remember that he is a rouge wolf of the Fera homes."

"Yes, Tita." sang-ayon ko. "Kanina sa may bangin, may nakita kaming tatlong mga patay na lobo mula sa Luca homes."

Medyo nagtaka at nanlaki ang nga mata ni Tita Belle. Hindi yata akalain na iyon ang sunod na maririnig mula sa akin sa gitna ng usapan. Sa hitsura niya ngayon ay para bang wala siyang alam. Kabaliktaran iyon ng inaasahan ko sapagkat sa pag-aakala ko ay nasabi na sa kanila ni Anika ang tungkol doon. Bigla namang napagtanto kong hindi na nga pala sila ang mga Alpha. There is no need for them to know about the killings. Nikolai might even tell Anika to keep it as a secret for now.

Your Ring On My SkeletonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon