11 : Questionable Deaths

318 22 5
                                    

Naniningkit ang mga mata ni Nikolai habang nakatingin sa akin. Mukhang hindi siya naniniwala lalo ngayong napacross arms pa siya sa harapan ko. Natawa naman ako nang mapakla. Nawala na rin kakaagad sa isip ko ang nangyaring sagutan sa pagitan namin ni Benice kani-kanina lamang.

"Do you think that I will choose an ugly human?" pagtataray ko pa. Napacross arms din ako dahil hindi ko matantiya ang mga tingin niya ngayon. "Pipili ka na nga lang ng ipaglalaban mo e iyong pangit pa?"

"Exactly. That is why I chose you."

Natigilan ako sandali. Nawalan ako ng mga salitang ibabato sa kaniya pabalik ngayong sumeryoso na ang mukha niya. Napatitig ako sa asul niyang mga mata. Medyo kumakabog ang aking dibdib.

"Be careful," he continued and even chuckled. "Your human might get jealous of the way you're looking at me."

Sa wakas ay nakahuma ako dahil sa pagmamayabang niya. Mas natawa ako nang mapakla saka siya sinagot.

"I am pregnant, and I am in love. Madly in love. I cannot see myself loving another man or any wolf my whole life. Si Ignis lang ang nanaisin ko at ipaglalaban ko, Nikolai." ngayon ay ako naman ang sumeryoso. "He is the only man I will lay my eyes on."

"Baka kainin mo ang mga sinabi mo, wolfie."

Nikolai shrugged. It seems like he is not buying the things that I just told him about and it somehow making me annoyed. Siguro ay naiinis ako dahil sa paraan ng pagngiti niya. Na para bang lagi niyang ginagawang biro ang lahat ng sinasabi ko. Idagdag mo pa sigurong mas mabilis akong mainis dahil buntis ako.

"You know that it is a wolf thing that once we marked someone, we only mark that someone forever. We only mark once in a lifetime. It is like we are only allowed to fall in love just once, right?"

"Yep,"

"I've already given my mark to Ignis."

"And I've given mine to you."

Nakipagsukatan ng tingin si Nikolai sa akin sandali bago muling magsalita at ipagpatuloy ang kaniyang sasabihin.

"So, I guess this will be an unrequited love triangle? Us three in love but only my love is the one that is not reciprocated. Parang ang unfair naman noon. Ayaw n'yo magpasali? Damot n'yo naman."

"Nikolai, are you serious?"

"Sa'yo, oo. Bakit?"

"Nikolai,"

"Come on. Let me meet your human." muli niyang pagbabalik ng suhestiyong iyon na lalo kong ikinainis.

"Why? Bakit kating-kati ka na makilala si Ignis? Isn't that weird because I am your Luna, and he is the one I am in love with? Napakaweirdo mo, Nikolai."

"I just want to see him. To know something. To confirm something inside my mind."

Your Ring On My SkeletonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon