22 : Cunning Hearts

258 19 1
                                    

Shalailanie and Diego gave Nikolai a look. Not the mad one but a look of respect. Sabay din silang tumingin sa akin at nginitian pa nga ako ni Shalailanie.

"Thank you, Antara."

"Thank you rin."

Iyon lamang ang naging palitan namin ng usapan bago hawakan ni Nikolai ang kamay ko at yayain nang umalis. I thought we were going to walk from here but I did not expect that he will turn into a wolf in front of everybody. Nagulat ang lahat pati ako lalo na at bigla-bigla ang mga kilos ni Nikolai. Medyo natrigger din ang mga warrior wolves ng pack nang umungol siya.

"Nikolai," saway ko rito.

He then looked straightly into my eyes. Saglit lang ngunit alam kong pinapasakay na niya ako sa kaniyang likuran na agad ko namang ginawa. Pagkasakay na pagkasakay ko ay wala itong pasabing naglakad na paalis. I did not have the chance to say goodbye to the Alphas. I did not have any choice but just to look at them from afar because Nikolai's speed is not a joke.

Ilang minuto lang ang nakalikipas ay sa tantiya ko ay napakalayo na ng nararating namin. Nakakapagtaka lamang na bigla na lamang tumigil si Nikolai sa gitna ng kawalan. Sa kapatagan iyon na napapaligiran ng ilang malalaking puno sa gilid. I do not know where this place is. I am sure that this is not part of our home, too.

"Nikolai, anong problema?" tanong ko sa kaniya.

Nikolai is silent. I can hear little growls from him and saw that his eyes are looking at the trees. Doon ko napagtantong may mali. He is looking at something he doesn't like. Maaring may mga lobo sa paligid na nagtatago sa mga puno na maaring umatake sa ngayon. I understand that because we are in another pack's territory for sure.

Isang pag-ungol pa ni Nikolai ang narinig ko bago ko makita ang paglabas ng tatlong lobo mula sa kaliwang bahagi namin. Napahigpit tuloy ang kapit ko sa balahibo ni Nikolai dahil doon. Napakalalaki ng mga lobong iyon na unti-unting lumalapit sa amin at kinakabahan ako. Halos kasinglaki sila ni Nikolai at panay matapang din ang mga mata.

The wolves stopped walking meters away from us, yet their eyes are still looking at us sharply - to Nikolai. Ilang segundo rin silang nagtitigan na animo ba ay nag-uusap bago muling umalis na ang mga lobo. Akala ko ay may mangyayaring masama kani-kanila lamang. Nakahinga ako nang maluwag nang mayamaya pa ay nagpatuloy na sa pagtakbo si Nikolai. Hindi ko alam kung ilang minutong tumatakbo si Nikolai bago kami makarating sa bahay. As soon as he stepped in front of our house and made sure I am safe, he changed back into his human self. Agad din akong napalingon sa ibang direksyon dahil hindi ko kayang makita ang kaniyang kahubdan.

"Rest, little wolf." he tapped my shoulder na lalong mas nakadagdag sa pagtingin ko sa ibang direksyon. Muntik pa akong mapapikit nang maramdaman kong napakalapit ng kaniyang labi sa may tainga ko. Ang paghingal niya ay nakakapagbigay ng kung ano sa aking sistema kasabay ng medyo mahina niyang boses. "Babawi ako sa kasalanan kong pagpayag na madala ka ng lobong iyon kagabi."

Iyon lamang at nagdiretso na siya sa loob ng bahay. Napalunok ako nang dahil doon sa hindi ko malamang dahilan. That for some reason made me think of dirty thoughts I never imagined I will think of.

Your Ring On My SkeletonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon