Hindi ko alam kung ilang oras na akong nagmumukmok o baka nga nakakaligtaan ko nang magbilang ng mga aras dahil sa nararamdaman ko. Palagi lamang akong halos nagkukulong sa kwarto at umiiyak. Halos mabaliw na ako kakaisip dahil hindi ko matanggap na wala na si Ignis.
The Loki homes is so silent as if it is mourning with me. Or maybe it's just because I do not pay attention to their noises. Maging si Nikolai na pabalik-balik kung saan-saan dahil sa pag-aasikaso sa pack ay hindi ko na halos napapansin. Si Biya lamang ang tanging nakakalapit sa akin. Siya lang ang nakakausap ko kahit papaano habang nagluluksa akong mag-isa. I told her about Ignis, and she is heartbroken with the news too. Sinasamahan niya ako minsan dito just like right now.
"Gagabi na naman, Antara. Are you sure na hindi ka lalabas? Hindi ka na nasisikatan ng araw. Namumutla ka na rin. Tatlong araw ka na rito." si Biya. I heard her sigh. Nang linungin ko naman siya ay ngumiti siya. "I know it is heartbreaking. Hindi man lang masisilayan ni Ignis ang anak ninyo. Sobrang sakit noon para sa'yo. I don't know what to say but I am here."
I gave her a broken smile. Muli pa akong bumuntong-hininga.
"Go on. Baka hinahanap ka na rin nina Tita. Baka nagtataka na iyon kung bakit ka laging narito e wala ka namang responsibilidad dito. You need to be with them and the pack. If there's anyone that should be with the Alphas every time, it should be the Zeta. Si Anika iyon. It will make more sense if she is the one to always stay in here."
"She is always with Nikolai. Hindi ko alam kung saan sila lagi pumupunta."
Muli na lang akong ngumiti. Nikolai must be with her because of all the killings around. Hindi pa rin iyon natatapos hanggang ngayon at mukhang mas nadaragdagan pa. The Hashian mountains are on high alert.
"Let them be. Sige umuwi ka na. I will be fine here. Mamayamaya rin naman ay darating na si Nikolai. May kasama na ulit ako."
I heard Biya's deep breath when she left the room. I just looked at her until I hear the door being shut. After that, I heaved a deep sigh. Pagkatapos noon ay muli na lang akong nahiga at nauwing nakatitig sa kisame. Walang pasabi'y tumulo na naman ang luha ko. Hindi ko namamalayan, hindi ko maiwasan.
Ilang oras pa ay lumabas na rin ako ng kwarto. Kahit papaano ay hindi ko naman napapabayaang kumain para sa dinadala ko na rin. Medyo nagulat pa nga ako nang makita ko sa kusina si Aoiri at nakatingin sa akin. She is eating an apple while Nikolai is on the sala reading a book. Pinanlakihan ko agad ng mata si Aoiri at saka mabilis na lumapit sa kaniya. Pabulong pa nga ako nang kausapin ko siya.
"Bakit nandito ka?" I hissed at her but just to let her know she should not be here especially that Nikolai is home. From her looks, it seems like it does not matter at all. It looks like Nikolai let her in because of how casually she is eating on our kitchen. "You're not supposed to be here."
She chuckled. Ngumiwi pa na parang ipinapahiwatig na kung anu-ano lang ang sinasabi ko ngayon. She even took another bite before responding to me.
"Sus, Antara. Ang Alpha nga e pinayagan akong makita ka e ikaw pa kaya? By the way nga pala, bakit hindi na kita masyado nakikita sa labas? Hinahanap ko na mukha mo, e. Hindi ko na nakikitang naglalakad-lakad ka na palagi mong ginagawa." She casually asked. "Teka, bakit parang mugto mga mata mo?"
BINABASA MO ANG
Your Ring On My Skeleton
Hombres LoboAntara Loki, the youngest born of the pack is quiet until her dominance is about to be questioned for bearing an interesting cub of a human she once desired to protect. A human she didn't know will be the start of the legend's kiss the histories did...