Hanggang sa makauwi kami sa bahay ay hindi pa rin nawawala ng kaba ko. Nakatapos na kami sa pagtatanghalian ay wala pa rin akong ginawa kung hindi ang tingnan si Nikolai para makita ang tunay na reaksyon niya pati ang isipin si Ignis. Since the incident on the cliff, Nikolai never really answered me about what he discovered. Ni ang tumango at bigyan ako ng kumpirmasyong wala siyang gagawing masama o kahit ang pinaplano lamang ay wala siyang ibinigay sa ako. He just keeps on making me ask questions inside my head and about Ignis' bloody shirt.
"A simple white dress is enough, right?" mayamaya ay tanong niya. Nasa may kusina siya at umiinom ng tubig habang ako ay nakaupo sa sofa. Hindi naman iyon kalayuan sa kusina kaya naman dinig na dinig ko ang sinasabi niya kahit hindi ko siya lapitan. "The ceremony is just because I am half a human. If I am not, there should be no marriage or such to make it official. We are already the alphas naman. Wala na dapat ceremony."
I did not answer. Hindi pa rin kasi maalis sa isip ko ang mga tanong pati ang kaba ko.
"Naririnig mo ba ako, wolfie?"
"Hindi mo naman papatayin si Ignis, 'no?" I asked. Sa wakas din ay tumayo na ako at nagkalakas ng loob na puntahan siya para sabihin kung ano nga ba ang nasa isip ko simula pa kanina. "Hindi mo naman binabalak na katagpuin siya instead of me and then kill him, right?"
He chuckled. "Masyado kang paranoid, wolfie. Masama sa buntis iyan."
"That is the biggest possibility of you being my Alpha mate. Huwag mo akong tawanan."
"So, you really think that I am that savage, huh? Hindi nga natin sigurado kung buhay pa siya, e." His eyes are competing. Nilagok pa ang natitirang laman ng baso habang nakatingin pa rin sa akin. "That's really offensive, wolfie. Medyo masakit iyon."
"Nikolai,"
"Tell me not to and I will not." he then seriously said. "Isang sabi mo lang, I'll do anything."
Sa hindi ko malamang dahilan, nang sabihin niya iyon ay kakaiba ang tibok ng dibdib ko. Nakakakaba na nakakakilig nang kaunti na dapat ay hindi ko nararamdaman. Gusto ko tuloy magalit sa sarili ko dahil iyon ang nasa isip ko kasabay ang panganib ng usapang ito.
"I am yours, wolfie. Whatever you say, whatever you'll make me do, I'll follow it with all the strength in me." dagdag pa niya. "That's the perk of being my Luna and being in love with you."
Imbes na matuwa ako sa lantaran niyang pagsasabi na gusto niya ako simula pa noon ay medyo naiinis ako. He thinks that is so cool, yet it is not for me. Para niyang pinaglalaruan ang salitang iyon. Para niya akong pinaglalaruan. His words and his reaction are somehow opposing. He blurts out words that sounds romantic, yet his smile is somehow sarcastic. But one thing I cannot explain is how focused his eyes are always on me whenever he is talking to me. Minsan ay nahihiya ako at minsan ay naiilang lalo na at nakakaakit ang mga mata niya, sa totoo lamang.
"Name it. Territory, children, leading the pack, or anything, but you being my Luna is out of the table. You cannot change that fact."
"What really is your deal?" halos mapakunot na ang noo ko habang tinatanong siya. "Pinaglalaruan mo ba ako?"
BINABASA MO ANG
Your Ring On My Skeleton
Manusia SerigalaAntara Loki, the youngest born of the pack is quiet until her dominance is about to be questioned for bearing an interesting cub of a human she once desired to protect. A human she didn't know will be the start of the legend's kiss the histories did...