If I Was To Love Again: SaiDa part 5
Nagpunta na siya sa kabilang opisina para kunin ang sinasabing files ni Dahyun. Kumatok siya sa pinto at binuksan agad.
(Astro) Eunwoo: Oh Ms. Sana, anong sa atin?
Sana: Uhm, may pinapakuha si Mr. Kim na file.
Eunwoo: Ah yung para sa segment niyo.
Huminto si Eunwoo sa ginagawa niya't hinanap ang file.
Sana: Segment namin?
Lumapit si Eunwoo dala ang isang folder.
Eunwoo: Nagpadagdag siya ng materials para sa audio equipment para sa bagong segment next week. Ito ang letter of request sa mga materials na 'yon.
Sana: Thank you.
She excused herself as she received the folder but before she could ever leave the floor, Eun Woo called her.
Eunwoo: Sana, single ka naman diba?
Sana: H-huh?
Napakamot sa batok si Eunwoo dala ng hiya sa biglaan nitong tanong.
Eunwoo: Kung single ka, available ka ba for blind date? Ipapakilala ko sana ang kaibigan ko sayo. Mabait yon at feeling ko magugustuhan mo.
She awkwardly smiled. Ano bang dapat isagot sa tanong na 'yon?
Sana: uhm, pwede ko pag isipan? Masyado kasi akong busy para sa love life.
Eunwoo: Please, do think about it. You know, hindi naman masama maging masaya habang nagtatrabaho.
She just smiled and finally excused herself. Nagulat siya sa biglang pagtatanong nito kasi usually, si Eunwoo ay napakatahimik at walang pakialam sa iba.
Sana: Anong nakain non?
Habang papunta sa office, tumunog ang phone niya. Sinagot nito ang tawag.
Sana: Hello?
Dahyun: I'm at the rooftop. Send the files here.
Napairap si Sana nang marinig niya ang boses nito. Inis niyang tiningnan ang screen at minurahan ng minurahan.
Sana: Peste ka talagang lalaki ka! Di mo ako yaya! Urgh!!!!
Pinagtitinginan siya ng mga dumaan sa hallway ngunit wala siyang pakialam. Kailangan niyang mailabas ang inis niya bago harapin ang pesteng 'yon.
Sana: Saang lupalop niya nakuha ang personal number ko, tsk. May work number nan ga ako e.
She rode the elevator and pressed the button. Habang naghihintay ay binuksan niya ang folder na hawak niya. Pagbukas niya, pakiramdam niya ay dudugo ang ilong niya dahil sa mga pangalan ng materyales na nirequest ni Dahyun.
Sana: Ano 'to?
Hindi maintindihang tanong habang binabasa ang mga ito. Ugh, jargons caused a nosebleed. The elevator opened at the last floor and took the stair to rooftop.
Sana: Ano naman kayang ginagawa ng isang 'yon sa rooftop?
In almost two years of working here, this is her first time going in such place. Some says it looks beautiful because it's a garden rooftop.
She shrugged her shoulders and opened the door. As she opened it, she saw him standing and looking at the view. Nilapitan niya ito at napansin ang isang usok.
Sana: You're smoking!?
Nilingon naman siya at inalis ang sigarilyo sa bibig nito.
Dahyun: Oh, nandito ka na pala. The files?
Pinigilan niya ang sariling umirap rito. Binigay niya ang folder.
Sana: Why do I even bother to ask tsk
Dahyun: Ano?
Sana: Ah wala
Dahyun: By the way, thanks.
She was about to turn her back when he held her wrist and pulled her closer to him. The fear of yesterday envelope her heart as she felt him so close again.
Sana: Bitawan mo ako pwede ba? Marami akong ginagawa at wala akong panahon sa mga kalokohan mo.
Natawa nalang si Dahyun sa naging reaksyon nito. Hindi siya nagsalita bagkus ay may inilagay itong malamig na bagay sa kamay niya.
Dahyun: That's a thank you gift. Drink it.
Sana looked at her hand. A coke in can.
Binitawan siya ni Dahyun at agad naman siyang lumayo rito. Pinagmasdan lang siya ng lalaki habang unti unting lumalayo.
Dahyun: After seeing you again makes me want you.
He bit his lips and smile wickedly. Alam niyang hindi pwede pero gusto niya ulit makuha si Sana.
~
Nagising si Sana sa mga kalabog. Bumangon siya agad at lumabas sa kwarto ng walang ayos. Nadatnan niya agad ang kanyang ama na may kinakausap sa may pintuan.
Sana: Pa? Ano 'yong maingay?
Naghihikab na tanong niya habang papalapit rito. Lumingon ang ama niya at nginitian ito.
S's dad: Oh, gising ka na pala. Kausap ko itong si Meili. Nililipat na nila ang gamit nila.
Napahinto siya sa paghikab nang marinig niya ang pamilyar na pangalang iyon. Meili.
Sana: Eyy, hindi naman siguro siya 'yon, no? Maraming Meili sa mundo, Sana.
Kinakalma niya ang sarili. Masyado siyang nag iisip ng kung ano ano.
Meili: Sana?
Napatingin siya sa kinaroroonan ng boses na iyon at nanlaki ang mata niya nang makita niya kung kanino galing ang boses na iyon.
Meili: Sana!!! KUMUSTA KA NA???
Hindi niya alam ang gagawin niya. Palapit na ang ginang, ang ina ni Dahyun.... ang akala niyang magiging mother-in-law niya noon...ang babaeng gustong gusto siya para sa anak niya.
Wala na siyang magawa nang bigla siyang niyakap nito. Nag aalangan niya itong niyakap. Walang hiya, just woke up lang siya at hindi pa nakakapag ayos.
Meili: Napakagandang coincidence ito! Sobrang namiss kita iha...salamat naman at nakita na rin kita.
Nahahalata niya kung gaano ito kasaya dahil sa boses nito. Humiwalay ito ng yakap at malawak ang ngiti nitong tiningnan siya.
Meili: Gosh Sana...mas gumanda ka.
Ngumiti siya bago nya takpan ang bibig niya.
Sana: Uhm kayo po pala...uhm...
Nauutal siya! Ano bang sasabihin ko? Hindi niya inaasahang makikita niya rin ito!
At teka? "Kausap ko itong si Meili. Nililipat na nila ang gamit nila"? Ibig sabihin sila ang may ari ng narenovate na bahay!?
Meili: Magkapitbahay na tayo!
Masayang balita nito at siya naman ay natulala. Magkapitbahay? Ibig sabihin....
"Ma, anong ginagawa mo dy-----, Sana?"
Pakiramdam niya ay umiikot ang paningin niya. Dahyun is outside their door, looked puzzled while holding a box. Meili looked back and excitedly spread the news. She knows, she's doomed.
To be continued...
Aruy magkapitbahay na. Dahyun, kumalma ka ha.
BINABASA MO ANG
If I Was To Love Again
Fanfiction[COMPLETED] "If I was to love again, it is the opposite of you."