If I Was To Love Again: SaiDa part 12
"Ms. Sana, pinapatawag ka sa opisina."
Puno ng kaba ang dibdib ni Sana habang nasa loob ng elevator papunta sa opisina ng chief operating officer (COO).
Sana: Ano kayang sasabihin sa akin? Bakit ako pinapatawag?
Kagat niya ang daliri nya dahil sa nerbyos na bumabalot sa buong katawan nya. Bukas ay ang huling araw ng pagkakansela ng Impostor Among Us segment program at paniguradong tungkol doon ang pag uusapan nila.
Nang huminto ang elevator sa top floor, huminga muna siya ng malalim at kinalma ang sarili. Inayos na din nya ang sarili upang maging presentable.
Ito ang pangalawang beses nyang makakapunta sa opisina ng boss at parehong kaba ang nararamdaman nya.
Secretary: Pasok na po kayo, Ms. Sana.
She nervously nods as the male secretary opened the door for her. Bumungad sa kanya si Ms. Sunmi na nasa visitor's chair.
Sana: Good morning po
COO: Have a seat ihaTumabi siya kay Sunmi at walang emosyon siyang tiningnan nito.
COO: So, I'll get straight to the point Sana. It's been almost a week since we agreed to put your segment on hold and we had discussion about it during the week.
Napalunok siya sa sinabi nito lalo na nang sandaling huminto ito sa pagsasalita.
COO: I'm sorry to say this but we have to cancel your segment program permanently.
Sana: P-po?
COO: Our guest artist are afraid to guest because of what happened. And to put not to worry or taint our company, we conclude into that decision. Sorry that your efforts will go down to drain.Hindi napigilan ni Sana na mapaluha. Hindi na siya nakaramdam ng hiya nang humagulgol dahil masakit para sa kanya ang naging desisyon nila.
COO: I'm really sorry. Pumayag na rin si Ms. Sunmi at ang team ninyo.
Nakalabing tumingin sya kay Sunmi at ang ginang ay malungkot na ngumiti at hinawakan ang kamay nya.
Sunmi: Sorry...
~
Nang makalabas sila sa opisina, hinawakan ni Sunmi ang kamay nya at hinarap.
Sunmi: They were very concern about what happened. At dahil role ng COO na protektahan ang kumpanya, naging ganoon ang desisyon nila. Sorry because I know how hard and pressured were you when we thought about this segment.
Sana: S-sayang naman po ang kalahating taon natin dito Ms. Sunmi...Malungkot itong ngumiti at niyakap siya.
Sunmi: Masakit din para sa akin at nanghihinayang rin ako pero ganito talaga sa industriya natin. May successful program at madalas din ay hindi natutuloy katulad ng atin.
Humiwalay ito ng yakap.
Sunmi: Umuwi ka na muna ngayon at pagbalik mo sa Monday, mag uusap tayo ulit para sa panibagong segment na binigay sa atin.
Tumango siya at walang nagawa kundi ngumiti. Nauna na siyang pinababa at pagdating niya sa opisina nila ay sinalubong siya ni Danica na malaki ang expectation.
Niyakap siya agad nito nang mapansin na hindi siya masaya.
Danica: Halika nga dito
Ayaw ipakita ni Sana ang mga luha niya sa mga kasamahan niya kaya naman pinigilan niya ang mapaiyak.
Sana: Okay lang ak--aray!
Pinalos siya nito ng malakas sa likod kaya napaaray siya agad.
Danica: Gaga ka, 6 months kayong nagpagod tapos macacancel lang, at ano? Okay ka lang?
Sana: G-ganoon daw talaga sa industriya natin. Wala naman akong magagawa kundi sumunod.Hinarap siya ng kaibigan na parehas ng emosyon sa kanya.
Danica: Sure kang okay ka lang? Namumugto mata mo e.
Sana: Umiyak ako sa office ni maam, kaya okay na ako.
Danica: bakla naman e...Humiwalay si Sana sa kanya at nginitian lang. Pumunta siya sa desk niya at niligpit ang gamit, sinundan siya ni Danica.
Danica: San ka pupunta bakla? Maaga pa.
Sana: Pinapauwi na muna ako ni Ms. Sunmi.
Danica: sure ka ba? May naghihintay pala sayo kanina.
Sana: Sino?
Danica: Si fafa Dahyun.Kumunot ang noo niyang tumingin sa kaibigan.
Sana: B-bakit daw?
Danica: baka magpapaalam?
Sana: magpapaalam?
Danica: oo bakla, di mo ba alam? Nagresign na siya.
Sana: hah!? Bakit daw?
Danica: diko nga alam e. Nasa parking lot siya kaninang pinatawag ka sa taas. Tingnan mo baka nandoon pa.Tumango siya at nagpaalam na sa kaibigan. Nagtataka siya kung bakit nagresign si Dahyun. Bakit kaya? Bigla na rin itong hindi namansin simula nang huling magkita sila sa bahay nito.
Nang makarating siya sa parking lot, walang Dahyun na bumungad sa kanya.
Sana: Nasaan na yon?
Hinanap niya rin ang ginagamit na kotse ni Dahyun pero wala siyang nakita. Hindi nalang niya inalala pa at sumakay na sa hiram na kotse.
Hindi niya alam kung paano soya ligtas na nakauwi dahil punong puno ang isip niya. Kumikirot pa din ang dibdib nya sa nangyari.
Nakarating na siya sa aprtment at agad ipinarke ang kotse. Bago pa siya makalabas ng kotse at may pumasok sa passenger seat.
Sana: D-dahyun!? Anong ginagawa mo rito?
Dahyun: tulungan mo ako
Sana: Huh?
Dahyun: I need you to pretend to be my girlfriend.
Sana: What!? Nababaliw ka na ba!? Bakit ko naman gagawin yon?
Dahyun: Birthday party kasi ni mama sa Linggo at sinabi niya sa mga amiga niya na may girlfriend ako.Umirap si Sana.
Sana: Edi maghanap ka ng iba dyan. Bakit ako pa? Ayoko na maassociate pa sa tulad mo.
Dahyun: Sinabi niya na ikaw ang girlfriend ko. Sinabi nya na nagkabalikan tayo kaya naman wala na akong iba pang mahilingan kundi ikaw.
Sana: duh, maghanap ka nalang ng iba tutal hindi naman ako kilala ng kaibigan ni tita.Dahyun scoffs and look at her.
Dahyun: Nang makilala ka ni mama, pinakilala ka na niya sa mundo nya. Hindi mo sila kilala pero ikaw, kilalang kilala na.
Her jaw drops. What the?
Sana: Seryoso ka ba?
Dahyun: Kung pwede lang ako humingi ng tulong sa iba, gagawin ko. Pero please Sana... Do this favor for me...Umangat ang kilay nya at mataray na hinarap ito.
Sana: Ano namang makukuha ko kapag pumayag ako?
Tumikhim si Dahyun at hinarap siya ng maayos.
Dahyun: Kapag pumayag ka, lalayo na ako sayo gaya ng gusto mo.
To be continued...
Operation magpanggap na girlfriend para lumayo si Dahyun sa kanya 🥲

BINABASA MO ANG
If I Was To Love Again
Fanfiction[COMPLETED] "If I was to love again, it is the opposite of you."