If I Was To Love Again: SaiDa part 1
***
"Alam mo, hindi naman talaga kita gusto. Ginirlfriend lang kita kasi matalino ka't gagawin mo ang mga paperworks na pinapagawa satin."
***
Nagising si Sana sa kalagitnaan ng gabi nang marinig niya mula sa panaginip ang mga salitang binitawan ng ex niya 4 years ago.
Sana: Letse, hanggang sa panaginip, gago siya.
~
Sana: Pa, alis na ako!
Lumabas siya sa kanilang "rent to own" apartment at napansin niya agad ang kakarenovate na katabing apartment. Sana all may pangrenovate. Napabuga nalang siya ng marahas na hangin at iwinaksi ang inggit.
Bumaba siya sa hagdan at nakasalubong ang landlord na lagging taas noo at ni minsan hindi niya pa nakitang ngumiti.
Sana: Tsk, maniningil na naman ang isang 'to, hayst.
Nginitian niya ito kahit alam niyang sisingilin na naman siya ng renta.
Sana: Sa sahod ko nalang ako magbabayad. Medyo short po kasi kami ngayon kaya di po ako nakabayad.
Landlord: Mukha ba akong naniningil?
Sana: Po?
Landlord: May nagbayad na ng renta niyo ngayon buwan at sa susunod na buwan.
Nasalubong ang kilay niya sa sinabi nito. Mukha namang hindi ito nagjojoke.
Sana: Sino pong nagbayad? Si papa po ba?
Landlord: Mukha bang may pera ang tatay mo e andyan lang naman sa bahay niyo't nagpapaypay maghapon?
Sana: Grabe naman po kayo kay papa, syempre nagpapahinga lang po siya.
Umirap ito. Kung pwede lang sigurong sabunutan ang ginang ay ginawa na nya.
Landlord: Sa katabing apartment ako pupunta. Kailangang matapos na ang renovation next week.
Sana: Next week na po ang lipat nila?
Sinungitan siya ng tingin nito at nagkrus ng braso.
Landlord: Wag kang chismosa dyan, pumasok ka na nga!
Gumilid siya nang umakyat na ang ginang.
Sana: Ang sungit naman, tsk. For sure nagmana si Ate IU sa papa nito.
Tuluyan na siyang bumaba at nag abang ng sasakyan. Ilan sandali pa ay may dumaan ng jeep kaya naman sumakay na siya papuntang trabaho.
Siya ay isang assistant segment producer of TWICE Broadcasting Network. Halos magdadalawang taon palang siya sa trabaho at talagang pinaghirapan niya ang posisyon niya ngayon.
Nang makarating sa building, masigla niyang binati ang mga staff at saka dumiretso sa opisina nila. Nadatnan niya doon ang mga kasamahan niyang abala sa pagsusulat ng scrip para sa noon time show mamaya.
Sana: Good morning!
Sinamaan siya ng tingin ng kaibigan niyang si Danica.
Danica: Hoy bakla halika na dito. Tulungan mo ako.
Sana: Ilang beses ko na bang sinabi sayo na wag mo akong tawaging bakla?
Danica: Ilang beses ko na rin bang sinabi sayo na wala akong paki?
Umirap nalang siya't ipinatong ang bag sa kanyang mesa. Habang inaayos niya ang isang visual aids, may hinahanap ang kanyang mga mata.
Danica: Wala si Ms. Sunmi.
Sana: Nasan daw?
Danica: Nasa taas.
Kinakabahang tiningnan niya ito.
Sana: Bakit daw?
Natawa si Danica sa reaksyon nito. Mukha na naman kasi siyang di mapakali at namumula ang buong mukha sa kaba.
Danica: Huwag kang mag alala ano ka ba. Pinaupdate lang yung bagong segment.
Napahawak siay sa dibdib at sa mesa para sa suporta. Umagang umaga ay aatakihin siya sa puso. Tinulungan na niya ito sa visual materials.
Danica: Nga pala bakla, may dalawang bagong audio engineer sa show niyo. Kasi diba, malapit na matigok yung audio engineer niyo.
Sana: Oh?
Hindi niya ito nilingon ngunit kitang kita niya kung paano ito huminto para sa balitang kinukwento nito. Malandi siyang pinalo sa braso kaya naman nilingon niya ito.
Nagulat ito dahil parang naghuhugis puso ang mata ng kaibigan. Ilang beses na niya itong nakikitang ganoon pero hindi siya nasasanay.
Sana: Gwapo no? Makangiti ka dyan kala mo papatulan ka.
Danica: Hoy! Bakla ka! Mas may alindog naman ako sayo no. Matris lang ang lamang mo sakin.
Tinawanan niya ito at umiling nalang. Transwoman ito at may punto naman siya. Maganda si Danica at kapag pinagtabi sila, mas maganda nga ito ng kaunti sa kanya.
Sana: Mabuti nalang may matris ako.
Danica: Pwe! Oo na. Kaasar na matris na yan.
They just laughed as if it was an appetizer for the whole day. What he said about audio engineers imprinted in her mind. Ang audio engineer nila ay nagresign na at ang replacement nalang nito ang hinihintay para makapagrehearse at simula na sila sa segment.
Madali siyang natapos dahil kaunting impormasyon lang naman ang kailangan niyang isulat. Sakto namang lumabas na si Ms. Sunmi at nakita siya agad.
Sunmi: Sana, halika rito.
Agad siyang sumunod. Si Ms. Sunmi ang segment producer at siya naman itong lagi niyang kasama sa buong programa tuwing hapon.
Sana: Bakit po?
Sunmi: The new audio engineers for our segment is at the lobby. Can you go and get them?
Sana cursed inside. She knew it.
Sana: Sige po maam.
Tinungo niya agad ang elevator. Habang nasa loob, saka lang niya naaalala ang isang bagay na dapat hindi niya kinalimutan. Anong pangalan ng mga iyon?
Sana: Ang gaga mo Sana, tsk.
Nagbukas na ang elevator habang sinasabunutan niya ang sarili.
Sana: Shit, paano ko malalaman kung sino sila?
Lumabas nalang siya at ikinalat ang paningin sa buong lobby area. Napakalawak ng lugar at marami ring tao. Kapag may nakita siyang dalawang lalaking magkasama, 'yon na 'yon.
Sana: Dahil mukha na namang heart shaped ang mata ni Danica, I bet they're handsome.
Naglakad pa siya kaunti at napansin ang dalawang lalaki sa gilid. Ang isa ay nakatayo habang ang isa ay nakaupo, abala sa cellphone. Nilapitan niya ito at tumikhim. Hinarap niya ang matangkad na lalaki na nakasuot ng kulay puting long sleeve polo.
Sana: Uhm, excuse me...kayo po ba ang audio engineer?
Tiningnan siya ng lalaki. She immediately noticed how attractive his face is. It has manly and strong features and he has well-toned physique.
Jeong: Ah yes. I'm Jeongyeon Yoo and this is....
He said and looked at the man he's with. Napatingin din siya sa isang lalaki. Ganoon na lamang ang gulat niya nang nag angat ng tingin ang lalaking iyon.
Jeong: He's Dahyun Kim.
Kumabog agad ang dibdib niya sa nakikita. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig, napako sa kinatatayuan.
He's here!? Dahyun was the man who broke up with her four years ago! The scumbag she's been hating for years.
Lord, bakit ang bait niyo sa akin ngayon?
To be continued...
BINABASA MO ANG
If I Was To Love Again
Fanfiction[COMPLETED] "If I was to love again, it is the opposite of you."