19

12 3 0
                                    

If I Was To Love Again: Saida part 19

Sana: Ate, binayaran ba ni papa yung renta?

S's sister: Hindi man. San naman kukuha si papa ng pera?

Sana: nagbabayad ako kanina e sabi e nakabayad na.

S's sister: Tanungin ko si hubby.

Umalis ang ate niya para puntahan ang asawa nito. Hawak hawak niya pa rin ang pambayad ng renta sana para sa ngayong buwan dahil bayad na ang dalawang buwan noon.

Saka niya lang narealize na three months na pala ang nakalipas simula nang dumating muli si Dahyun sa buhay niya. Gusto niyang isipin na si Dahyun ang nagbabayad ngunit wala pa sila noong may nagbayad para sa kanila.

S's sister: Hindi naman daw nagbayad si hubby.

Kinagat ni Sana ang daliri. Sino kaya ang nagbabayad? Wala na siyang maisip na pwedeng maging secret payer.

Sana: Ate, punta lang pala ako sa mall. May kailangan for work.

Ttumango lang ang ate nya. Umalis na siya at nagcommute nalang kaysa hiramin na naman ang kotse ni Miyeon. Oo, kotse ni Miyeon ang lagi niyang sinasakyan noon dahil hindi na daw kasya sa garahe nito ang kotse na yon kaya binigay nalang sa kanya pero hindi niya tinanggap as bigay.

Nang makarating sa mall ay agad nagtungo sa department store. Maraming tao sa mall dahil weekend, maraming couples na naglalampungan sa daan, at mga bata na halata ang excitement sa buong katawan.

Sana: Sana pala dinala ko si Shye.

Nagtingin tingin muna siya ng para sa kanya. Deserve naman niya siguro ng bagong gamit. Puro nalang renta at living expenses ang ginagastos niya.

Habang nagtitingin siya ng dress ay may kumalabit sa kanya. Lumingon naman siya agad dahil sa gulat at nakita nga ang taong iyon.

Sana: Tzuyu!?

Malawak na napangiti si Tzuyu.

Sana: Anong ginagawa mo rito?

Tzuyu: Bawal na ba ako magpunta sa mall?

Sana: Haha hindi naman. Sorry.

Tzuyu: Mukhang magshoshopping ka ha? Para sayo ba?

Sana: Oo sana. Ilang taon na kasi yung huling gumastos ako para sa sarili ko.

Tzuyu: Talaga? Samahan nalang kita tutal tapos na ako sa balak ko dito.

Sana: Ano bang balak mo?

Tzuyu: Pinasyal ko lang ang pamangkin ko kanina tapos nagtingin tingin rito. Buti nalang pala dito ako nagpunta.

Sana: Nasaan na ang pamangkin mo?

Tzuyu: Umalis na kasama ang kapatid ko.

Tumango tango si Sana. So, titong ama pala si Tzuyu, parang siya, titang ina.

Kumuha siya ng isang basket ngunit inagaw iyon ni Tzuyu.

Sana: Kaya ko na.

Tzuyu: Alam ko, pero ako na ang bahala sayo.

Mahina siyang natawa rito at kinurot ito sa braso. Para namang teenager na kinilig si Tzuyu. Naglakad na siya papunta sa isang caps section at tintry isa isa ang mga tipo.

Tzuyu: Bagay mo yan, tsaka itong white.

Sana: Talaga?

Tzuyu: Actually, lahat bagay mo.

Sana: Ikaw talaga napakaobvious mo. Type mo ako no?

Tzuyu: oo

Napatigil sandali si Sana sa pagtawa at saka tumingin kay Tzuyu.

If I Was To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon