6

29 5 2
                                    

If I Was To Love Again: SaiDa part 6

They are all silent. Meili is drinking her coffee, Sana's dad is preparing other desserts while Dahyun is looking at her intently.

Hindi niya alam kung anong tumatakbo sa isip nito at sa tingin niya ay hindi iyon nakakabuti sa kanya.

Meili: Grabe, hindi ko akalain na makikita kita, Sana. Pagkatapos niyong maghiwalay ng anak ko hindi na kita nakita o nakausap pa.

Ngumiti naman siya ng pilit. Hindi niya alam na ganito pala ka-awkward ang makita muli ang ginang. Pagkatapos nilang magbreak ni Dahyun ay madalang nalang siyang lumabas ng bahay dahil umiiwas siyang makita muli ang isa sa pamilya nito. 

She learned one lesson after their breakup. She shouldn't date someone around her town. 

Sana: A-ako din po...sobrang 'di ko inaasahan ito.

Meili held her hands and smiled.

Meili: Naikwento sakin ni Dahyun na magkatrabaho kayo. Magkakabalikan na ba kayo?

Nanlaki agad ang mata niya at di makapaniwalang tiningnan si Dahyun na nagkibit balikat lang.

Sana: Ahh hindi po...h-hindi po kami magkakabalikan.

Bigla naman sumimangot ang ginang.

Meili: Why? Magbalikan na kayo. Alam kong hindi madali pero malay natin...mayroon pang chance. Bagay na bagay pa rin kayo sa isa't isa.

Sana: Ah wala na po...

Ayaw niyang paasahin ang ginang. Dahyun just smirk and wheezed.

Meili: Ganoon ba? Sayang naman, hindi makakapag asawa itong anak ko.

Sana: Po?

Ano namang kinalamang ng hindi niya pakikipagbalikan sa pag aasawa ni Dahyun?

Meili: Hindi ako papayag na maikasal si Dahyun kung hindi ikaw ang pakakasalan niya.

She gulped. Anong klaseng kondisyon 'yon? Hindi ba ito naaawa sa babaeng gustong mapangasawa ang anak niya? 

Naputol ang usapan nila nang dumating ang papa ni Sana na may dalang tray. Tinulungan niya itong ilapag ang mga pagkain. Tahimik lang sina Sana at Dahyun habang ang magulang niya ay nag uusap tungkol sa bahay.

Hindi niya magawang tingnan si Dahyun. She's still processing everything. If he'll be her neighbor and a co-worker, she will always see his face which is a real torture to her. She hates the fact that she will be meeting him often.

Tumayo na ang ginang matapos makipagkwentuhan.

S's dad: Hatid mo sila sa labas.

Sumimangot siyang tiningnan ang papa niya. Pinandilatan lang siya nito. Tsk, pangit kabonding ni papa.

Hinatid na niya ang mga ito at nang nasa labas na ay may kinuha ang ginang sa kanyang bulsa. Nilabas nito ang isang susi at inilahad sa kanya.

Sana: Para saan po?

Meili: Susi ng bahay namin. You can enter anytime you want.

Dahyun: Ma.

Meili: let's go?

Naunang naglakad si Meili. Hinarap siya ng lalaki at hinila palapit sa kanya.

Sana: A-ano ba!

Kinakabahang tumingin siya sa kianroroonan ng papa niya mabuti nalang ay hindi ito nakatingin.

Dahyun: This is good news for me. I'll be meeting you really often. Can't wait.

Aangal na muli sana siya nang humiwalay na ito sa kanya.

Sana: Sa akin, bad news!

Natawa lang ito sa kanya.

Dahyun: Ang aga aga, nagsusungit ka.

Umirap lang siya rito. Panira ng umaga.

Dahyun: Hindi pa rin ako gusto ng papa mo hanggang ngayon.

Sana: So? Syempre ako ang kakampihan niya dahil anak niya ako.

Dahyun: Masyado mo akong sinisira sa kanya. Paano pa niya ako tatangapin?

Sana: A-ano?

Dahyun: Wala

Iniwan siya nito at sinundan siya ng mga kargador dala dala ang isang box na may nakalagay na "Fragile" at "Handle with care".

Sana: Ang malas ko naman, Lord. Masyado mo akong favorite pasalubungan ng kamalasan.

To be continued...

If I Was To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon