If I Was To Love Again: SaiDa part 7
Kinabukasan, araw ng Lunes, parang wala sa ayos si Sana. Balisa siya dahil sa ilang sandali nalang ay ang kanilang segment na ang ipapalabas.
Danica: Girl, sa wakas mapapalabas na ang anim na buwan niyong pinagtatrabahuhan!
Sana: Kaya nga, hindi ko alam kung kakabahan ba ako o maeexcite.
Danica: Hoy bakla, be proud! Dapat excited ka palang! Ito yata ang first segment na i-aassist mo!
Malawak siyang napangiti sa sinabi ng kaibigan. Nagsisimula na ang pangarap niyang gumawa ng isang segment at maipalabas sa national TV!
Hawak hawak niya ang visual aids para sa additional information sa kanilang segment.
Director: we're airing in 3, 2, 1...camera 1!
As the cue starts, the hosts went up the stage and introduce the new segment entitled "Impostor Among Us" na kung saan huhuluan ng celebrity guests ang impostor sa invited guests.
Throughout the segment, audiences are laughing hard, enjoying the show, even the host so it warms her heart. It's like everything she went through has already been paid off.
45 minutes lang ang segment kaya naman mabilis lang itong natapos. Nang matapos ang buong noon time show, nagcelebrate sila ng team niya at pinuri siya ni Ms. Sunmi.
Bumaba na siya sa parking lot nang makita niya si Jeongyeon sa tabi ng sasakyan niya.
Sana: oh? Anong ginagawa mo rito?
Jeong Pwede bang humingi ng favor?
Sana: Anong favor?
Jeong: Pwede mo ba akong samahang bumili ng regalo para sa girlfriend ko?
Sana: Ohhhh, may girlfriend ka na pala ah!
Ngiting mapang asar ang ibinigay niya kay Jeongyeon at namula naman ang tainga nito.
Jeong: H-hindi ko pa girlfriend, aayain ko palang sana.
Sana: Sus, sige na halika na!
Jeong: Dito nalang tayo sa sasakyan ko. ihahatid nalang kita pauwi.
Sana: Sige ba, mahal din gasolina
Tumawa ito at iginiya siya sa kotse nito. Sumakay sila't nagpunta sa isang malapit na mall.
~
Isang oras ng naghihintay si Dahyun sa parking lot ngunit walang Sana ang lumabas sa building. Gusto niyang batiin ito dahil sa successful launch ng segment. Bumili siya ng isang bugkos ng tulips pero unti unti ng nawawalan ng buhay.
Aalis na sana siya nang sakto naman ay nakita niya si Danica.
Dahyun: Danica!
Danica: Yes fafa?
Napansin nito ang hawak niyang bulaklak.
Danica: oh? For me ba yan?
She's barking at the wrong tree.
Dahyun: Nakita mo ba si Sana? Kanina ko pa kasi siya hinihintay.
Napasimangot si Danica nang si Sana ang hinanap nya.
Danica: Ay, umalis kasama si fafa Jeongyeon.
Dahyun: HA!? Pero ayan ang kotse ni Sana diba?
Danica: Hiram niya lang yan sa friend niya. Kanina pa sila umalis, mukhang may date.
Dahyun: Date?
Parang umusok ang ilong niya sa sinabi ni Dnaica.
Danica: Mukhang may gusto si fafa Jeongyeon kay Mareng Sana. Yung titig niya kanina, grabe!
BINABASA MO ANG
If I Was To Love Again
Fanfiction[COMPLETED] "If I was to love again, it is the opposite of you."