16

18 3 1
                                    

If I Was To Love Again: SaiDa part 16

Tulala si Sana. After that night, hindi na siya nagkaroon pa ng koneksyon kay Dahyun. Mag iisang linggo na siyang wala sa sarili. Hindi niya alam kung dahil ba talaga kay Dahyun o dahil ba sa cancellation ng programa nila.

Danica: bakla, okay ka lang ba? Pumapayat ka na.

She faintly smiles. Mabigat pa rin sa pakiramdam ang lahat. At tanging maayos nalang sa kanyang araw araw ay ang kanyang pamangkin. Daig niya pa ang broken hearted dahil di na siya makakain ng maayos.

Danica: Diba may bago kayong plano for segment?
Sana: Oo, napag usapan namin noong Monday. Tapos next Monday e gagawa ng proposal.
Danica: Si fafa Jeongyeon nalang ang audio engineer natin nyan. Sayang naman kasi si fafa Dahyun. Biglang nagresign!
Sana: hayaan mo na...

Tumingin siya sa phone niyang tumunog. Nakita niya agad ang caller ID at agad sinagot nang makitang si Eun Woo iyon.

Sana: Yes po?
Eun Woo: Sana, free ka ba ngayon? Patulong naman sa opisina.
Sana: Sige po. Papunta na po

Agad siyang tumayo at nagpunta sa opisina ng S & A. Pagdating niya doon ay wala siyang nadatnan.

Sana: Sir?

Pumasok siya sa loob at nakita ang malawak na opisina.

Eun Woo: Sana

Lumingon siya at nakita si Eun Woo at isang kasama nito. Matangkad, kayumanggi, maamong mukha at hanggang balikat ang haba ng buhok.

Eun Woo: Sana, siya nga pala yung gusto kong ireto sayo noon. Siya si Tzuyu, bago nating audio engineer.

Tinitigan ni Sana si Tzuyu. Napakainosente ng mukha at mukhang mabait.

Inilahad ni Tzuyu ang kamay nito at ganoon rin naman si Sana.

Tzuyu: Matagal na kita gustong makilala, Ms. Sana.
Sana: Nice meeting you, Tzuyu.
Eun Woo: Maiwan ko na kayo.

Napabitaw ng kamay si Sana at nagtatakang tumingin rito.

Sana: Akala ko po ba may ipapatulong kayo?

Mahinang tumawa si Eun Woo at umiling.

Eun Woo: Dahil free time mo naman, gusto ko sana magkakilala kayo ni Tzuyu. Tsaka siya rin ang designated sa bagong segment niyo.

Hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataon magsalita dahil umalis na ito at natira silang dalawa.

Tzuyu: I didn't know I'll meet you here. Sa university lang kasi kita nakikita dati. Masaya ako na magkaworkmate na tayo.
Sana: nakikita mo na ako dati?
Tzuyu: Oo, magkaiba lang tayo ng section pero batchmates tayo.
Sana: Talaga? How come hindi kita kilala? Kilala ko ang buong year noon.

Napangiti si Tzuyu.

Tzuyu: Hindi mo ako kilala kasi nagbago na ang itsura ko.
Sana: Nagparetoke ka!? Kaya pala ang gwapo mo. Akala ko pa nga babae ka
Tzuyu: Hindi. Nagkaroon lang ako ng pera kaya pinaenhance ko.
Sana: Wow, ang galing ng dermatologist mo. Iba talaga pag may pera.

Naglakad sila papuntang rooftop. Naging magaan ang usapan nila dahil parehas sila ng nga ginagawa noon sa college. Nagkaroon sila ng maraming "common ground".

Tzuyu: Gusto na kita noon pa. Pero may boyfriend ka at alam kong hindi mo ako magugustuhan dahil sa itsura ko noon.

Natahimik siya. Ano ba dapat ireact sa biglaang pag amin?

Tzuyu: Nagbreak kayo noon kaya sobrang saya ko.
Sana: Huh?
Tzuyu: Sorry to say that I'm happy when you're heartbroken at that time. I just seen your most beautiful smile after a year of breaking up with him. You're shining, just like the moon.

Sana smiled. Natutuwa siya dahil may nakapansin ng pagiging masaya niya kahit may breakup na naganap noon.

Tzuyu: Nag apply ako agad dito nang may nakita akong bakanteng posisyon.
Sana: Iyong pinalitan mo ay ang ex ko.
Tzuyu: Talaga??
Sana: Oo, kaya ngayon, hindi ko na siya makikita ulit.

Halata sa mukha niya ang kaunting pagkadismaya.

Tzuyu: Bakit malungkot ka? Akala ko ba ex mo na?
Sana: Iyon na nga e. Ex ko na pero may epekto pa rin siya sa akin. Pero I'm trying my best not to show it to everyone.
Tzuyu: Why did you tell me this then?
Sana: Wala lang... Magaan kasi ang loob ko.
Tzuyu: Salamat... willing ako makinig sa mga gusto mong sabihin pero hindi mo masabi.

~

Nagpalitan sila ng number matapos nilang makapag usap sa rooftop ng isang oras. Uwian na at kilig na kilig pa rin si Tzuyu samantalang si Sana ay normal lang.

Tzuyu: Sana, hatid na kita sa inyo.
Sana: Huh? Hindi na. May dala akong kotse.
Tzuyu: ganun ba? Sige, next time wag ka ng magdala ha? Ako na maghahatid lagi sayo pauwi.

Napangiti sya sa sinabi nito.

Sana: Salamat ...

Umuwi na siya at agad pinarke ang sasakyan. Umakyat na siya sa apartment nila at walang nadatnan sa loob ng bahay.

Pumasok nalang siya at dumiretso sa kwarto. Sakto naman paghiga niya ay tumunog ang phone niya. Isang text message.

"Sana, pwede mo bang puntahan si Dahyun? May sakit siya ngayon at walang mag aalaga sa kanya. Sorry to disturb you, we really can't come home tonight. Thank you iha, and sorry."

Alam niya kung sino ang nagtext non kahit unregistered number. Halatang si Tita Meili, ang mama ni Dahyun.

Sana: Dahyun is sick?

To be continued...

If I Was To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon