23

16 3 0
                                    

If I Was To Love Again: SaiDa part 23

Hindi alam ni Sana kung paano natapos ang gabing iyon. Ang isang magulong parte ng utak niya ay klaro na at ito ay ang intension ni Tzuyu sa kanya. Malinis at puro. That made her heart flutters. But only for a few moments.

Danica: bakla, papalapit na si fafa Tzuyu!

Napatingin si Sana sa likuran at nakita nga si Tzuyu na may dalang isang bugkos ng bulaklak.

Danica: Himala, hindi pagkain.

Siniko niya ang kaibigan bago pa tuluyang makalapit si Tzuyu.

Tzuyu: Good morning, beautiful. Flowers for you!

Malalaki ang ngiti si Tzuyu kaya nahawa silang dalawa. Malugod naman niya itong tinanggap. Agad niyang inamoy ang mga iyon nang mahawakan.

Sana: Salamat.

Tzuyu: Congrats nga pala sa award mo kahapon. Sayang hindi ako nakaattend.

She smiled even more. Thankfully, he's noticing her achievement.

Sana: Thank you, hindi ko inaasahan ang award na yun

Danica: Sus hindi daw e halata namang ikaw ang pinaparinggan ni Ms. Sunmi last week pa.

Sana: Eh syempre nawala na sa isip ko ang mga maliliit na bagay na ganyan.

Danica: Sabagay, dalawang lalaki nga pala ang iniisip mo. Di talaga kakasya ang maliliit na details.

Sana pinched Danica's arms and awkwardly laughed at Tzuyu.

Tzuyu: Don't worry Danica, sa susunod ay ako nalang ang iisipin niya.

Sana: Tzuyu naman...

Danica: Go! Ikaw ang manok ko!

Napailing nalang si Sana. Nagpaalam na si Tzuyu at siya naman ay ipinatong ang bugkos ng tulips sa kanyang mesa.

Danica: Ang effort ni Tzuyu ne? Hindi ka niya hinahayaang magutom. Lagi ka pang pinapangiti. Hindi pa ba sapat ang mga ginagawa niya?

Sana: Hindi ko alam...

Danica: Naguguluhan ka lang kasi nasa picture pa si Dahyun. If you completely remove him from the picture, Tzuyu will stand out! Tingnan mo naman kanina, napansin niya ang award kahapon kahit alam nating maliit na event lang yun. He keeps on checking on you, noticing your small victories plus! Giving you congratulatory gift!

Sana: Eh anong magagawa ko? Ang hirap naman kasing hindi sila pareho isipin. Ako'y stress na.

Danica: Ikaw lang ang kilala kong stressed na maganda.

Sana: I'm stressed inside, glowing outside!

Danica: Nako oo na! basta for me, gift giving ang love language ni Tzuyu at ikaw, wala ka man lang binabalik sa kanya. Puro ka thank you hmp.

Inirapan siya nito bago tumalikod. Sinundan niya na ito papasok sa conference room dahil may meeting sila ngayon.

~

Danica: Bakla, what if ito ang isuot mo?

Sana: gaga, anong akala mo sakin pokpok?

Danica: Grabe ka naman sa pokpok. This is fashion!

Sana: Never in my entire life I will wear that kind of dress. Kulang nalang makikita na ang kaluluwa ko. At isa pa, reunion ang aattendan ko hindi sa club.

Danica: Ang arte mo.

Sana: Ito nalang

Danica: Ang manang! Ito nalang

If I Was To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon