If I Was To Love Again: SaiDa part 4
What happened brought her to the day they broke up. Hindi lang iyon ang pinakamasakit na araw sa kanya kundi natapakan din ang pride niya bilang isang babae na iniingatan ang sarili.
>>
"Let's break up."
Sana looked at him with disbelief and got up from the bed.
Sana: Ano??
Tumingin si Dahyun sa kanya ng walang emosyon ang mga mata.
Dahyun: Let's break up. You're no fun.
Her jaw dropped and incapable of speaking. Pinanood niya lang kung paano ito humarap sa salamin at inaayos ang buhok.
Sana: D-dahyun, dahil ba ito sa hindi ko pagpayag na may mangyari sa atin?
Tumayo siya't nilapitan ang nobyo. Tiningnan lang siya nito sa salamin.
Dahyun: Magbihis ka na. Baka isipin ng mga tao na may nangyari sa atin kahit wala naman. Mauuna na akong aalis, at 'wag kang mag alala, bayad na ang room na 'to.
Tumayo si Dahyun at tiningnan lang ang suot niyang manipis na sando at maikling pambaba. Kung makatingin ito ay para bang basahan ang suot niya at tinatapakan ang pagkatao niya.
Sana: S-sandali. Wag ka munang umalis, mag usap tayo.
Hindi siya nito pinansin at naglakad palapit sa pinto. Sinundan niya ito at humarang sa may pinto.
Sana: Wag mo nga akong iwan ng hindi nagpapaliwanag!
Dahyun: Wag ka ngang humarang dyan. Tapos na tayo mag usap.
Sana: You're calling this a conversation!? Communication major ako at hindi ito maayos na usapan.
Umirap si Dahyun at tiningnan ang nobya. Ito ang ayaw niya kay Sana. Ginagamit nito ang maamo nitong mukha para magkaayos sila.
Dahyun: Sana, kung ano man ang rason, wag mo ng alamin, okay?
Sana: H-hindi pwede! Hindi ka aalis dito hangga't hindi ka nagpapaliwanag.
Dahyun: Please, umalis ka dyan.
Mas hinarang pa niya ang dalawang braso sa pinto at idiniin ang pagkakasandal sa pinto.
Sana: Mag usap tayo, please?
Dahyun: Hindi ka talaga aalis dyan?
Sana: Hindi.
Dahyun: Okay
Napakurap si Sana dahil sa pagpayag nito. Ngunit hindi pa siya muling nakakahinga nang bigla siya nitong marahas na hinalikan habang hawak nito ang magkabilang pisnge niya.
Sana: A-ano ba!
She's running out of breath, trying to escape the rough kiss. Then, Dahyun stopped and looked at her face for a while.
Dahyun: Alam mo, hindi naman talaga kita gusto. Ginirlfriend lang kita kasi matalino ka't gagawin mo ang mga paperworks na pinapagawa satin noon.
Tinulak siya palayo sa pinto at tuluyan ng nakalabas. Hindi na niya magawang pigilan ito. Hinawakan niya ang dibdib, hinayaang tumulo ang mga luha.
Sana: Gago...napakagago mo!
Niyakap niya ang sarili at kinulong ang mukha sa mga tuhod. Pakiramdam niya ay isa siyang bayarang babae.
Sana: Dinala mo ako sa cheap na motel na ito tapos makikipagbreak ka sakin!? Gago ka, Dahyun. Gago ka!!!!
~
BINABASA MO ANG
If I Was To Love Again
Fanfiction[COMPLETED] "If I was to love again, it is the opposite of you."