3

27 3 1
                                    

If I Was To Love Again: SaiDa part 3

Sana's day went well, thankfully. Jeongyeon and Dahyun were summoned by the head of sound and audio team. That saved her this time. How about every day?

Saan niya kukunin ang mga dahilan para hindi sila magkasama? Hindi naman siya pwedeng umalis sa trabaho ng dahil lang rito?

Sana: Aish, sa maraming beses na iniwasan ko siya, ditong dito ako hindi makakaiwas.

Napakagat ng labi si Sana nang pauwi siya. Sa tuwing naalala niya ang mga panahon na iniiwasan niya di Dahyun matapos silang maghiwalay ay nahihiya pa rin siya.

>>

Nautusan siyang mamalengke ng sobrang aga. Ala sais palang at nakikipagsiksikan na siya sa maingay at magulong palengke.

Sana: Ang palengke ay palengke. Maingay, maraming tao.

Nagtungo siya sa suki ng kanyang tatay sa tindahan ng mga baboy.

Sana: Ate, isang kilo po sa ribs.

Tindera: ikaw pala Sana, kumusta ang papa mo? Balita ko naospital?

Sana: Ayun po nagpapahinga. Nagcecrave daw po ng pork ribs kaya damihan niyo po ha.

Tindera: Nako, kayo pa! Syempre dadamihan ko para sa inyo.

Malawak siyang napangiti siya. Ang tindera at kaibigan ng mama niya, nakakalungkot lang dahil wala na ang mama nya. Namatay dahil sa brain herniation.

Tindera: oh ito, 230 nalang sayo.

Sana: Salamat po! Sabihin ko po kay papa na kinamusta niyo siya.

Natawa nalang ito. Aalis na sana siya nang may mapansin siyang palapit sa kinaroroonan niya. That familiar figure!

Sana: Shit, si Dahyun.

Tumalikod siya ng kaunti at kunware ay tumitingin tingin sa baboy na naroon.

Tindera: May nakalimutan ka pa ba?

Sana: A-ah, iniisip ko lang po ano pa pinapabili ni papa.

Tumango ito. Kanina pa pawis si Sana pero mas pinapawisan sya ng malagkit. 5 months after breaking up, nakita na naman niya ito. May kasama si Dahyun na pinsan nito at kilalang kilala siya.

D's cousin: Uy si Ate Sana.

Napamura siya sa isipan. Hindi niya ito nilingon. Paunti unti siyang umaalis sa pork station. Mabilis siyang naglakad hanggang makarating siya sa isang bakery. Kinapa niya ang puso.

Sana: Akala ko...Akala ko okay na ako... Nakamove on na ako...Hindi pa rin pala... Kinakabahan pa rin ako sa tuwing papalapit sya.

<<

Pagod na pagod siyang umuwi sa bahay at naabutang tulog ang ama. Rinig na rinig pa rin niya ang mga manggagawa sa kabilang room sa apartment building. Sakto namang tumunog ang cellphone nya.

Sana: Oh, si Ate IU.

Binuksan niya ang mensahe galing kay IU na anak ng landlady.

IU: Baby girl, next week na lilipat ang new neighborhood mo. Be nice, balita ko mayaman daw.

Natawa siya sa sinabi nito. Rinig na rinig niya ang boses sa bawat mensahe.

Sana: Hay nako ate, hindi ako mahilig sa mayaman.

IU: I know. Ako kasi oo. Kung may boylet dyan na close my age, please message me. Alam ko namang hindi ka interesado sa mayaman kaya for me nalang. Okay?

Sana: Got it, Ate. Hintayin mo nalang ang update ko next week.

Tinago na niya ang cellphone at pumasok na sa bahay nila.

If I Was To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon