14

18 3 1
                                    

If I Was To Love Again: SaiDa part 14

S's dad: Anak, umuwi ka rin bukas ha? May pupuntahan raw tayo ng ate mo.
Sana: Opo, Pa. May emergency lang po talaga sa work.
S's dad: sige, mag iingat ka dyan.

Binaba na niya ang tawag at napakagat labi. Atake sa puso ang aabutin niya dahil sa kasinungalingan niya.

Sana: I can't believe I lied to my father...

Ang sinabi niya sa papa niya ay may trabaho siya kahit Linggo, pero ang totoo ay nasa hotel room siya na binigay ni Dahyun. Sa hotel kasi icecelebrate ang birthday ng ginang kaya doon na rin siya pinag check in.

Alas kuwatro palang ng hapon ay nag aayos na siya. 6 PM kasi ang start ng party at ayaw niya namang malate.

Pagkatapos niyang maligo ay pinagmasdan niya ang gown na binili ni Dahyun para sa gabing iyon.

Sana: Dapat ba ako magpasalamat sa kanya? The last time I wore something expensive is when I graduated.

Hinawakan niya ang gown at napangiti nalang. Pakiramdam niya ay mayaman siya dahil mamahalin ang susuotin niya ngayong gabi.

Sana: oh? Parang may kulang...

Umupo siya sa kama at inisip kung ano ang parang kulang. Okay naman na ang buhok niya, light makeup lang naman ang ilalagay niya...

Napapitlag siya nang may kumatok. Nagtungo siya doon at binuksan ang pinto. Nakita nya si Dahyun na nakaayos na.

Dahyun: Hi
Sana: H-hi...

Niluwagan niya ang pagkakabukas at saka pumasok si Dahyun bitbit ang isang paper bag.

Dahyun: I brought you a pair of shoes.
Sana: Ah! Yan pala ang iniisip kong kulang. Buti naalala mo!

Dahyun smiled and it put her into an enchantment. He's wearing no makeup but exude exquisite aura.

Before she could even fall into the cliff of stupidity, he opened the box and saw a pair of mesmerizing twinkling silver stiletto.

Sana: w-wow...
Dahyun: Nagustuhan mo ba?

Tumango siya ng parang bata.

Sana: Ang ganda, sobra!
Dahyun: Really? Magpalit ka na. May gagawin pa tayo before the party.
Sana: Ano?
Dahyun: 'wag na matanong, tsk.

Kumunot ang noo ni Sana at tinarayan ito ng tingin.

Sana: Ay ay ay, don't me ha. Ano ang gagawin natin aber?
Dahyun: Basta, may nakita lang akong lugar. Bilisan mo nalang

Humiga si Dahyun sa kama at pinantakip ang braso sa mata. Umirap nalang siya at nagtungo sa changing room.

Hindi siya nahirapang magpalit kaya naman nang maisuot na niya ang gown ay dumiretso na siya sa vanity mirror para ayusin ang makeup. Ngayon ay marunong na siya sa simpleng makeup kaya naman tumanggi na syang magpasalon pa. Mabuti nalang din ay sumunod si Dahyun kasi dati rati ay hindi sya pinapakinggan nito.

Lumabas siya sa silid na iyon at nakita agad si Dahyun na nakahiga pa rin sa kama at malalim na ang paghinga.

Sana: Dahyun? Tulog ka ba?

Tumapat siya rito at napansing tulog ang loko. Using her foot, she woke him. Dahyun flinched and got up.

Sana: Are you serious? Tutulugan mo lang ako?

Kinusot nito ang mata at humikab pa.

Dahyun: Sorry, hindi kasi ako makatulog kagabi.

Tumitig ng maayos si Dahyun sa kanya at pakiramdam niya ay kinikritiko ang buong pagkatao niya. Kinakabahan siya ngunit nawala iyon nang malawak itong ngumiti.

Dahyun: Beautiful...

Hinila siya nito paupo sa kama at bago pa siya makapagreact ay lumunod na ito sa harap niya.

Sana: A-anong...
Dahyun: I waited for this moment...

Hinawakan niya ang paa ni Sana at para namang nakiliti ang dalaga. Paa lang ang hinawakan nito pero apektado siya.

Sana: K-kaya ko naman isuot yan mag isa

Dahyun smirked and put the shoes on her. At that moment, she feels like Cinderella. Instead of a clear glass shoes, she's wearing a silver one.

Her heart races, blood flushed up to her face and her red lips slightly opened. Why does he looks nostalgic?

Dahyun: I'm sorry I didn't take care of you on your freshman night...

Umiwas siya ng tingin. Bakit kailangan niya pang banggitin ang nakaraan?

Sana: Okay lang. I didn't expect you to do something either.

Binawi niya ang paa at saka tumayo. Tumayo na rin si Dahyun at bigla siyang niyakap.

Sana: Ano ba?!
Dahyun: One minute. Give me a minute to recharge.
Sana: Dahyun naman, hindi mo dapat ginagawa ito.
Dahyun: I know... But I can't help it.

~

Naunang naglakad si Dahyun at nakasunod lang si Sana. Hindi siya komportable matapos ang yakap na iyon. Kitang kita kasi sa mukha niya kung gaano siya kaapektado at naiinis siya sa sarili.

Sana: San ba tayo pupunta? 30 mins nalang oh
Dahyun: Sumunod ka nalang

Umirap siya, wala din naman aiyang choice🙂

Nakarating sila sa isang silid na una niyang makikita sa isang hotel.

Sana: observatory in a hotel?!

Namangha si Sana nang makita ay ang malaking telescope doon at automatic na nilapitan iyon.

Dahyun: Fascinating, right? Nagulat din ako nang makita ko itong ganitong lugar dito.
Sana: Paano mo nahanap to?
Dahyun: I was so busy entertaining myself so I will not barge into your room earlier today.

Napaiwas muli siya ng tingin. Letseng lalaking ito.

Sana: Ahh...
Dahyun: Do you want to try it?

Tumango siya at agad sumilip sa telescope. Napanganga siya nang makita ang ilang bituin sa kalangitan.

Dahyun: Stars are fascinating... Satisfied ka na kahit nasa malayo lang siya.
Sana: Tama... It still shines, just like the moon.

Lumapit si Dahyun sa nakasilip pa rin na dalaga.

Dahyun: Sana...
Sana: Hmmm?
Dahyun: Sorry

Napalingon si Sana sa kanya ng may pagtataka.

Sana: Sorry saan?
Dahyun: For everyone
Sana: Hmm, still don't know what you've done wrong.
Dahyun: I feel like I've wrong you. May ginawa pa ba akong tama noong tayo pa?
Sana: bakit bigla ka nalang nagrereminisce dyan?
Dahyun: Wag nalang kaya tayo tumuloy sa party?
Sana: what???
Dahyun: Ay, sayang naman ang ayos mo. Pero what if, tayo pa?
Sana: Dahyun, calm down! Parang nasisiraan. You're so random!

Napaiwas ito ng tingin. He still had unspoken words but came out randomly and weirdly!

Sana: Wag ka na magtanong ng what if. I've never imagined myself being into you again.

To be continued...

If I Was To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon