If I Was To Love Again: SaiDa part 8
"I miss you, Sana..."
Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito ngunit agad ding bumalik sa katinuan.
Sana: Ako, hindi kita namiss! Get off me!
He pushed her face even closer and sensually kissed her. Please God, not again... Sana is in the verge of giving in when she felt someone outside the door. Someone is trying to open the door!
Tinitigan ni Dahyun si Sana na gulat at hindi alam ang gagawin. Ngumisi siya't hinaplos ang pisnge nito.
Dahyun: Oh, si papa mo yata yan. Baka makita tayong magkasama.
Sana: Gago ka talaga!
Nilock ni Sana ang pinto para hindi mabuksan ang pinto.
S's dad: Anak? Andyan ka ba? Bakit nakalock ang pinto?
Sana: W-wait lang Pa! May ginagawa lang ako.
Napakagat labi siya sa sobrang taranta. Kung ang mama ni Dahyun ay matutuwa pag nakita silang magkasama, ang papa niya ay magagalit at baka itakwil pa siya nito.
Hinila niya si Dahyun papasok sa kwarto niya. sinamaan niya ito ng tingin at itinuro ito.
Sana: Dito ka lang. Utang na loob, wag kang lalabas!
Dahyun: Why?
Sana: Anong why ka dyan? Bobo ka na ba ngayon?
Humiga si Dahyun sa kama niya't ginawang unan ang braso.
Dahyun: I will stay here in one condition.
Sana: Mamaya na ang kundisyon na yan. Kumakatok na si papa!
Dahyun: Ayaw mo di wag.
Tumayo siya't akmang lalabas ng kwarto. Tinulak siya ni Sana't mas sumama ang tingin nito.
Sana: Fine! Ano ba?
Dahyun: Kiss me.
Sana: Hinalikan mo na nga ako ng walang paalam! Pervert!
Dahyun: edi wag!
Tumayo na naman siya at naiinis siyang tinulak na naman ni Sana.
Sana: Ang gago mo talaga kahit kailan!
Dahyun: So, ano?
Nakarinig na naman siya ng katok mula sa labas.
S's dad: Sana! Buksan mo na itong pinto!
Napakagat labi siya't tiningnan si Dahyun.
Sana: Fine.
She went towards him and tip toed. She held on his shoulder and tried to kiss him but Dahyun stopped her. She looked puzzled.
Dahyun: Later. Pagbuksan mo na muna ang papa mo.
Lumayo si Dahyun at napairap nalang siya.
Sana: Adik ka talaga!
Lumabas siya ng kwarto at binuksan an ang pinto. Nakita niya ang papa niya na may dalang dalawang plastic bag.
S' dad: bakit napakatagal mong magbukas ng pinto?
Sinundan niya ito ng lakad papuntang kusina.
Sana: Sorry Pa, may ginawa lang.
Pasilip silip siya sa kwarto dahil ninenerbyos siya. Baka kasi lumabas si Dahyun.
S's dad: Naggrocery ako ng kaunti. Wala na tayong ulam para bukas e.
Sana: Sinabihan niyo nalang sana ako. Baka mapano pa kayo e.
S's dad: Anak, okay na ako. Malapit na maghilom ang tahi ko.
Inayos na nito ang pinamili habang siya at silip ng silip sa may pinto niya.
S's dad: Nga pala anak, nagpunta si Dahyun kanina dito. Hinahanap ka.
Natahimik siya. Alam niya, kaya nga andito ang hinayupak e.
S's dad: Siguraduhin mo lang na hindi na kayo magkakaroon pa ng koneksyon ni Dahyun.
Tumingin siya sa ama na tumigil sa pag aayos.
S's dad: nakita kita kung paano ka umiyak dahil sa paghihiwalay niyo. Ayoko na makita kang magkukulong ng isang linggo sa kwarto mo.
Nagyuko siya sa sinabi nito. Kung may nakakaalam ng mga nangyari matapos silang magbreak ni Dahyun, iyon ay ang papa at ate nya.
Sana: h-hindi naman po kami magkakabalikan.
S's dad: Wag kang padalos dalos ng desisyon at wag ka ding magpapadala sa mga sinasabi niya at ng mama niya.
Sana: Wala naman kasalanan si tita rito.
S's dad: Alam ko. Pero alam ko kung gaano siya kapursigidong magkabalikan kayo ng anak niya.
She stayed silent. They all know how obsessive Meili is. Like mother, like son.
~
Nakalimutan ni Sana ang tao sa kwarto. Nakapaghapunan na sila pero di pa niya nababalikan si Dahyun. Tahimik siyang nagpunta sa kwarto at nakitang tulog na si Dahyun.
Sana: Shit, bakit siya natulog dito!?
She hissed. Her head aches.
Sana: Dahyun...
Sinubukan niya itong gisingin pero hindi magising dahil sa mahimbing nitong tulog. Bigla niyang naalala ang insomnia nito.
Sana: Wala na kaya ang insomnia nito? He sleeps like a baby.
Tinitigan niya ang inosente nitong mukha. Mukhang anghel pag tulog. Malaki ang pinagbago ng itsura nito. Dati ay payat at sobrang puti nito. Ngayon at medyo kayumanggi na siya't maganda na rin ang pangangatawan.
Sana: Akala ko pa man din papangit ka kapag nagbreak tayo...I want to see you broken like I was...but you turned into a perfectly figure.
May humaplos sa puso niya. Ang sakit ng kahapon. Noong kakabreak nila, para siya basag na salamin. Hiniling niya na sana ay mas masama pa ang maging epekto ng paghihiwalay nila ni Dahyun pero nakita niya itong maayos ang sarili. Pakiramdam niya ay siya lang ang nagdusa sa kanilang dalawa.
Tatayo na sana siya nang bigla siya nitong hilain pahiga at saka niyakap.
Sana: G-gising ka?
Dahyun: Oo
Sinubukan niyang kumawala ngunit humigpit ang yakap nito.
Dahyun: 5 minutes...bigyan mo akong sapat na minute para yakapin ka.
She froze. Why does he sound so sweet tonight?
Dahyun: Pasensya ka na at hindi ako pumangit.
Napairap siya sa sinabi nito. Very wrong talaga ang pakikipag usap sa tulog tulugan.
Sana: Umuwi ka na. Tulog na si papa.
Dahyun: May 3 minutes pa ako.
Hinayaan niya lang ito. Pumikit siya't ninamnam ang moment. One thing she misses is his hugs. Warm and cozy hug. It feels like home. Gusto niya itong yakapin pabalik ngunit ayaw niyang bumigay. Alam niyang kapag bumigay siya, babalik na naman siya sa dating sunod sunuran rito.
She promised to herself not to put herself into that situation again.
To be continued...
BINABASA MO ANG
If I Was To Love Again
Fanfiction[COMPLETED] "If I was to love again, it is the opposite of you."