9

15 3 0
                                    

If I Was To Love Again: SaiDa part 9

Nagpatuloy ang mga araw niya habang sinusubukang kalimutan ang mga nangyari nang gabing 'yon. Araw ng Linggo, nagkita kita sila ng kaibigan niyang sina Miyeon at Yeonjung sa isang parke.

Miyeon: bakit ngayon mo lang sinabi sa amin na katrabaho mo pala si Multo!?

Natawa siya sa sinabi nitong "Multo". Iyon ang tawag niya matapos silang magbreak ni Dahyun at pinatay niya na ito sa isip at puso niya at isa na lang itong multo para sa kanya.

Yeonjung: Kumusta ang pagmumulto niya sayo?

Sana: Hindi ko na alam ang gagawin ko. konti nalang ay maaapektuhan na ang trabaho ko. Yung bagong segment namin, nagkaproblema pa kahapon.

Miyeon: Ay oo nga, nakita ko yung pagkasira ng props.

Yeonjung: Yung muntik masaktan ang celebrity guest?

Mas nalungkot siya. Kitang kita live ang nangyari. Dahil doon ay pinatawag sila sa opisina.

Sana: Hindi ko alam saan ko ilulugar ang inis ko sa kanya dahil sa sobrang dami kong iniisip.

Miyeon: Edi wag mo siyang isipin.

Sana: Sana nga madali lang yon.

Yeonjung: Grabe ka naman Miyeon. Alam mo namang ang hirap ng hindi nag iisip, tsk.

Umirap lang si Miyeon sa kaibigan.

Yeonjung: Pero alam mo friend, buti nalang walang nangyari sa inyo o wala kayong anak.

Sana: Huh? Bakit bigla mong nasabi yan?

Yeonjung: Yung parang sa napapanood o nababasa. Magbebreak sila tapos hindi alam ni boy na pregnant si girl tas magkikita sila after many years.

Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan.

Miyeon: Grabe talaga imagination mo Yeonjung! You watch too much dramas!

Yeonjung: I'm just saying! Alam ko namang hindi bibigay itong Maria Clara nating kaibigan!

Miyeon: Pero totoo. Buti nalang talaga at nakapagpigil ka!

Napatingin nalang siya sa asul na langit. Kahit alam niyang bibigay na siya nang gabing 'yon, pinigilan niya ang sarili para makaiwas sa kung anong pwedeng kahihinatnan ng gagawin nilang iyon.

Sana: Anong una nyong naramdaman nang sinabi ko sa inyong break na kami?

Nagkatinginan ang dalawa. She asked that with sentimental voice and look.

Miyeon: Hmmm, natuwa?

Yeonjung: I think napatalon ako sa tuwa noon.

Tumingin siya sa mga ito.

Sana: bakit?

Miyeon/Yeonjung: Huh?

Sana: bakit masaya kayong broken hearted ako?

Hindi sila agad nakasagot. Naalala niya pa ang araw na iyon na sinabi niya sa dalawa na hiwalay na sila ni Dahyun. Natuwa ang mga ito habang siya ay nalulunod na sa kalungkutan.

Miyeon: Alam namin kung gaano ka nahirapan sa relasyon niyo. You said you were suffocated. Hirap na hirap kang makipagkita sa amin dahil pinipigilan ka niya.

Yeonjung: Tama. You even lied thousands of times to him just to be with us or anywhere you go. Sobrang kinakabahan ka kapag magkakasama tayo dahil alam mong magagalit siya na hindi ka nagpaalam.

Siya naman ang natahimik. So, ganoon ang alam nila sa relasyon nila noon dahil sa mga sinasabi niya.

~

If I Was To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon