The Unwanted Wife
PROLOGUE
'After our wedding..'
"CONGRATULATIONS, Mr. and Mrs. Smith!"
"Congrats, Attarah, Jake! Best wishes!"
"Best wishes, beautiful couple!"
"Congratulations, hija, hijo."
Kaliwa't-kanang pagbati ng iilang bisitang dumalo matapos saksihan ang pagiisang dibdib namin ng pinakagwapong nilalang na nakilala ko at ang lalaking pinangarap ko na si Jake Alexander Smith, na ngayo'y tahimik na minamasdan ang mga kakilala namin na masayang nakatingin at bumabati sa amin.
"Thank you po, thank you!" Nakangiti kong tugon sa mga ito. Ako lang ang bukod tanging sumasagot sa mga bumabati sa amin sapagkat alam kong wala na naman sa hulog ang lalaking napangasawa ko. Tango lamang kasi ang itinutugon niya at pilit lang na ngiti.
Katatapos lamang ng seremonyas ng kasal namin sa maliit na kapilya at agad na kaming dumiretso sa mansyon kung saan ginaganap ang reception. At masasabi kong napakapribado at napakasimple ng kasal namin sapagkat ni halos walang nakakaalam ng kaganapan ngayon. Mabibilang lang din kasi sa daliri ang mga nagsipagdalo.
"Best wishes, beshy!" Bati sa amin ng kaibigan kong si Amierizz Marie Gomez. Siya lang din ang nagiisang inimbitahan ko sa lahat ng mga kakilala ko. Wala din akong ibang kamaganak. Kung meron man ay hindi ko kilala. Nakangiti siyang kumaway kay Jake na tinanguan lang siya at saka na siya bumaling sa akin para abutan ako ng halik sa pisngi. "At last, tagumpay ang plano! Hihihi!" Napalunok at nagulat ako sa ibinulong niya sa tenga ko.
Kaagad kong nailayo ang sarili ko at saka ko siya pinaningkitan ng mata. "Anong planong pinagsasasabi mo diyan?" Loka-loka 'to!" Bubulong-bulong ko.
Bumunghalit siya ng tawa. "Joke lang, tarah! Ano ka ba! Hihi!" Sabay angat ng kamay niya at nag-piece sign pa. "Sa sunday pala may reunion tayo ng mga batchmate natin nung high school. Baka, pwede niyong maisingit sa honeymoon niyo ni Jake Xander?"
Sandali kong nilingon si Jake at nang maramdaman kong wala itong pakialam sa pinaguusapan namin ni Amierizz ay saka ko muling nilingon ang kaibigan ko. "I-message na lang kita, mami. Hindi pa ako makakapag-oo, eh. Alam mo na." Bulong ko sa huli kong sinabi.
Kumibit na lang din ng balikat ang kaibigan ko saka na siya rumampa pabalik sa mesa kung saan nagkukumpulan ang iba pa naming bisita.
Muli kong nilingon si Jake and as usual wala pa rin siyang kibo habang pinaiikot ang wine sa hawak niyang kopita. Nakayuko pa siya at hindi ko malaman kung anong tinitingnan niya. Ni hindi ko rin magawang arukin ang kaloob-looban ng isipan niya.
I sighed. Well, I think I know exactly the reason why he's acting like that.
Secret marriage? Forced Marriage? Arranged Marriage? Alin nga ba ang estado namin diyan kung bakit kami ikinasal? And the answer is.. All of the above.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Wife
RomanceWARNING: MATURE CONTENT!!! Attarah Jade Montecillo marries a guy named Jake Alexander Smith. Ang lalaking matagal niyang pinangarap. So, it was a dream come true for her to be his wife. Subalit, nang sa simula ng kanilang pagsasama ay halos isumpa s...