The Unwanted WifeCHAPTER 24
MABUTI na lamang at dampi lang ang ginawang paghalik ni Jake dahil kung hindi ay baka kung saan na 'yon napunta!
Tsk!
Hindi ko pa naman malaman kung bakit tila nagkakarambulan ang mga laman-laman sa loob ng katawan ko sa simpleng pagdikit-dikit niya lang sa 'kin!
"You're blushing, sweetheart.." Kantyaw niya pa! "Did you miss my kiss?"
Napayuko ako para itago ang pamumula ko at saka bahagyang umiling-iling. "Wag mo ng uulitin 'yon, ah? Hindi ako handa," saad ko at nagumpisa na akong kumain.
Dinig ko ang matunog niyang pag-ngisi at saka dahan-dahan na rin siyang naupo sa may harapan kong silya.
"I just can't help it, Attarah.. I was just so happy and I can't control my feelings. I badly want to do it in everytime, in every minute. But still, I'll respect you. I will wait for you until you're ready."
"You have to control your feelings, coz you know, madami ng nagbago.." Inirapan ko siya.
'Di ko makayanan ang sobrang paninitig niya kaya kunwari muli ko ng hinarap ang pagkain.
"I still trust that soonest or later, your feelings for me will come back again, Attarah."
Hindi na ako umimik pa sa naging hirit niya.
"And, kapag nangyari 'yon.. Trust me, you'll be the happiest wife on earth, anya pa.
Napasinghal ako sa hangin. "Kumain ka na nga! Gutom lang 'yan, Jake Xander. Nalipasan ka na, eh," tugon ko.
"I'm serious here, sweetheart."
"Bahala ka. Bahala kang magutom diyan!" Siniringan ko siya ng matindi. "Pinaghihintay mo ang pagkain."
"Tsk.." Nakanguso siyang naglagay ng pagkain sa pinggan niya. "Do you think, I'm just joking here, Attarah?"
Subalit, hindi ko na siya pinansin pa.
Nagpatuloy kami sa pagkain ng walang imikan hanggang sa mapukaw na lamang kami sa tunog ng cellphone ko.
"Someone's calling on you.." Untag ni Jake nang hindi ko 'yon pansinin. "Maybe, it's important."
Huminga ako ng malalim bago ako dahan-dahang tumayo mula sa kinauupuan ko at saka ko kinuha ang cellphone na nakapatong sa may island bar.
Nang mapagsino ko ang caller ay agad na sumilay ang ngiti sa mga labi ko. Hindi ko 'yon napigilan.
Dali-dali kong pinindot ang answer button at mabilis kong idinikit ang cellphone sa tenga ko.
"Hey, budz! What's up?" Pinakinggan ko ng maigi ang mga sinasabi nito sa kabilang linya. "Oh, really? That's great!" Muli kong pinakinggan ang sinasabi sa kabila habang sinusulyapan ko si Jake at inaalam ang reaksyon nito. "Yeah, okay! We're excited! We will wait you here. Okay! Bye!" Ibinaba ko na rin agad ang linya at isinuksok ko na ang cellphone sa bulsa ng pajama ko.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Wife
RomanceWARNING: MATURE CONTENT!!! Attarah Jade Montecillo marries a guy named Jake Alexander Smith. Ang lalaking matagal niyang pinangarap. So, it was a dream come true for her to be his wife. Subalit, nang sa simula ng kanilang pagsasama ay halos isumpa s...