CHAPTER 10

204 7 0
                                    


The Unwanted Wife

CHAPTER 10


HINDI ko mapangalanan ang tuwang naramdaman ko nang hindi pinansin ni Jake ang cellphone niya na walang tigil sa katutunog kanina. Malaki ang hinala ko na si Kate ang tumatawag na 'yon. Wala naman kasing ibang tatawag sa kanya ng gano'ng oras kundi ito lang. Unless, emergency call.

Kaya naman, sobrang saya ko nang piliin ako ni Jake. Ewan ko rin ba kung anong nakain ng asawa ko at hindi siya nagpapigil na angkinin ako kanina. And, it was so intimate by the way. Kung angkinin niya ako tila ba wala pang laman ang tiyan ko.

Saka na lang din niya kinuha ang cellphone niya matapos ng ilang minuto din naming pagniniig sa loob ng banyo. Pero, kasabay din no'n ang pagkawala ng sigla na naramdaman ko kani-kanina lang.

"Hey! Who's this-oh! Hi?" Dinig kong sambit ni Jake. Napabuntong-hininga pa siya ng malalim at saglit akong sinulyapan.

Nakaramdam ako ng pagtataka kung bakit kailangan pa niyang lumayo ng ilang distansya sa 'kin. Kaya naman, hindi ko na rin madinig pa kung anuman ang pinaguusapan nila.

'Tama nga ba ang kutob ko?' Anang isip ko. Pilit kong inaalis sa isipan ko ang bagay na nagdudulot sa akin ng lungkot. Hindi kasi 'yon makakabuti sa kalagayan ko.

Panaka-naka kong tinitignan ang bawat reaksyon niya mula sa kinatatayuan ko. Kunwari pa ay abala ako sa pagpupunas ng basang katawan ko para naman di niya ako mahalata. Nasa magkabilang side kami ng kama at magkaharap kaya't kitang-kita ko ang bawat pagigting ng mga panga niya. Seryoso din ang mukha niya na karaniwan ko na rin namang makita sa kanya.

Sandali kong iniiwas ang paningin sa kanya at inabala ko ang sarili sa pagbibihis nang maya-maya lang ay bigla akong nagulantang nang ibinalibag niya ang cellphone sa ibabaw ng tokador.

Kinabahan akong bigla at tila inalsa ang katawan ko.

"M-May problema ba?" Kabado man ay di ko mapigilang magtanong.

Nang iniangat niya ang paningin sa akin ay nilukuban ako ng kaunting takot sa talim ng pagkakatitig niya. Napalunok ako at pilit kong nilabanan ang paasik niyang tingin.

"S-Sino ba yung tumawag? M-Maari ko bang malaman..?" Sabi ko na halos mautal pa.

Muling umalsa ang kaba sa dibdib ko nang dahan-dahan siyang lumapit sa kinaroroonan ko. Ni hindi niya rin inaalis ang tingin sa akin. Tila rin napako ako sa kinatatayuan. Napapikit na lamang ako nang iangat niyang bigla ang isang kamay. Pero, nakahinga ako ng malalim nang haplusin niya ang pisngi ko. Doon na ako nagmulat.

"You're tired. You may go to sleep," paanas niyang sabi. Ngumisi pa siya sa 'kin na tila nangaasar. Saka na niya ako muling tinalikuran. Pero, hinabol ko siya at hinawakan sa braso. Kaya naman, muli siyang napaharap sa akin at hindi ko inaasahan na bigla siyang ngingiti. "What do you need? Round two, hmm?" Pilyo niya ring kinagat ang pangibabang-labi niya.

Pakiramdam ko namula ang buong katawan ko lalong-lalo na ang mukha ko. "J-Jake.." Napapalunok pa ako ng laway nang unti-unti niyang inilalapit ang labi sa labi ko. "Jake, kakatapos lang natin." Hinarang ko ang palad ko sa labi niya. "Gusto ko lang malaman kung sino 'yong tumawag sa'yo?"

The Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon