CHAPTER 23

151 3 0
                                    


The Unwanted Wife

CHAPTER 23

MATAPOS kong banggitin ang salitang iyon ay tila nawalan ng buhay ang mukha ni Jake. Tila hindi siya makapaniwala sa narinig na sagot mula sa 'kin. Napaawang pa nga ang mga labi niya at lumaylay din maging ang mga balikat na para bang pinanghinaan siya.

Ilang segundo pa siyang nasa gano'ng posisyon nang minabuti ko ng alisin ang mga kamay niya na nakahawak sa beywang ko at saka ako umatras at naupo sa gilid ng kama.

Nakasunod naman ang mga mata niya sa 'kin subalit wala ni isa mang salita ang namutawi sa bibig niya. Para siyang nagiisip ng sasabihin.

Gano'n pa man ay tinapunan ko pa rin siya ng tipid na ngiti at saka ako humugot ng malalim na buntong-hininga.

"When I was abroad, I tough myself how to forget you, everything about us actually. And, I'm so sorry, pero kasi, w-wala na rin 'yong dating ako na mahal na mahal ka at handang magtiis para lang makasama ka, Jake. Coz, I also taught myself how to unlove you." Pinanggigiliran ako ng mga luha subalit nakangiti pa rin ako sa kanya. "The old me is already dead, Jake. The woman infront of you is a new person and I'm no longer the woman you knew before."

Umiling-iling siya nang muling lumapit sa akin at saka ako hinawakan sa magkabilang-balikat. "T-That's not true.. You're still the Attarah Jade that I know! Please.. Please tell me, how I win you back? I will do everything, Attarah. Just tell me.." Pagmamakaawa niya.

Umiling-iling din ako at umiwas ng tingin. "Let the destiny decide, Jake." Pagkuwa'y kinalma ko na ang sarili ko at muli kong sinalubong ang mga titig niya. "Coz now, I don't know, I can't tell it."

Sandali na naman siyang natigilan at siya na rin mismo ang nagalis ng mga kamay niyang nakapatong sa mga balikat ko. Waring nahulog na siya sa malalim na pagiisip.

Hinayaan ko na rin muna siya at inilakbay ko rin ang isip ko sa kung saan-saan.

Maya-maya'y muli na siyang nagsalita. "We're still married, Attarah.." Halos pabulong niyang pagkakabigkas.

Muli ko siyang tiningala. Nakita ko naman ang kaseryosohan sa mukha niya at hindi ko maipaliwanag ang tila sakit na bumabakas sa mga mata niya. "I don't think so, Jake.. Kasi, hindi ba't nawalan na ng bisa 'yong kasal natin mula no'ng nalaman ng lahat na wala na ako?" Tanong ko sa kalmado kong tinig.

"Yes.. But, you're still alive! For god sake, Attarah! And, we can still fix this, right? Aayusin ko 'to. At, kung gusto mo..papakasal uli tayo!"

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa sinabi niya. Nakakabigla kasi.

Napatitig na lamang ako sa kanya.

"I..I understand why you decided to unloved me.. Siguro kasi, inakala mo na, na kinalimutan na rin kita, na akala mo wala kang halaga sa 'kin.. Kung alam mo lang siguro 'yong totoong nararamdaman ko.."

The Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon