CHAPTER 5

222 6 0
                                    


The Unwanted Wife


CHAPTER 5

"A-ANONG... i-ibig sabihin nito?"

Halos madurog ang puso ko habang nakatingin sa dalawa na abot pa ang mga ngiti sa tenga nila. Magkahawak ng kamay at naglalambingan. Tila walang pakealam kahit pa nandirito ako sa harapan nila na halos mabali na ang mga buto sa sobrang panginginig ng mga kalamnan. Parang mga walang pakealam sa mararamdaman ko.

"J-Jake..b-bakit nandito si H-Honey Kate?" Nilakasan ko ng bahagya ang boses ko nang sa gano'n ay maagaw ko ang atensyon nila.

Subalit, imbes na sagutin ako ni Jake ay tiningnan niya lamang ako ng masama at saka niya iginiya si Kate papalapit sa mesa.

Tila naman ako isang tuod na nilampasan nila. At para akong isang robot na nakasunod ang tingin sa kanila.

Ang hitad na babae naman ay nakangising nakatingin sa akin habang inaalalayan siyang makaupo sa katabing upuan ni Jake.

"Mukhang masipag magluto ang maid mo, love, hmm? Super dami ng pagkain! Mauubos ba natin 'to?" Ani Kate kay Jake Xander na ang tingin ay nananatili pa sa akin. Naroon ang nakakaasar na ngiti. "Uh.. Nevermind. Ipapakain na lang natin sa maid mo ang tira natin," anito pa.

"M-Maid?" Hindi makapaniwalang sabat ko. Masyado na akong naguguluhan. Tila ako mababaliw sa nasasaksihan. "Ako ba ang tinutukoy mong maid, Kate??

Tumatango namang sangayon ni Jake Xander imbes na ang babae ang sasagot sa katanungan ko. Nakadulog na rin siya sa mesa at tinitingnan isa-isa ang mga pagkain na nakahain sa mesa. "What do you want to eat love?" Na kay Kate ang paningin niya. At siguradong ito ang tinatanong niya. "Do you want to eat something except for these foods? Do you want to go to bed first?" Bulong pa niya dito.

Kunwari namang napasinghap ang babae at tinutop pa kunwari ang isang kamay sa bibig. At pagkuway hinalikan nito ang asawa ko na buong puso namang tinugon ni Jake.

Para akong sinakluban ng langit at lupa sa nakikita. Para akong sinasakal at hindi na makahinga. Nanlalambot na ang mga tuhod ko at gusto ko na lamang maglulupasay sa sahig. Hindi ko na alam ang gagawin.

"Leave us alone, Attarah. We need some privacy. We don't need you here," Ani Jake nang lingunin ako.

Tuluyan ng tumulo ang masaganang luha sa mga mata ko. Sobrang sakit.. 'Yong inakala ko pa naman na okay na kami kagabi at umasang tuloy-tuloy na 'yon.. Hanggang akala lang pala ang lahat..

Kaya ba sinabi niyang pagsisisihan ko ang nangyari kagabi? Dahil ito ang susunod na gagawin niya? Ang dalhin dito sa bahay namin si Honey Kate at ipamukha sa akin na ang babae ang totoong gusto niyang makasama? Gano'n ba iyon?

Umiiyak akong napatingin sa mesa. Kung saan nakikita kong ini-enjoy nilang dalawa ang pagkain na dapat ay sa aming dalawa ni Jake.

Sobrang tanga ko dahil inakala kong kami ang magkasabay na kakain.

Napahagulhol na ako at napaupo sa sahig. Hindi ko na kayang tumayo. Nanginginig na ang buong katawan ko.

The Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon