CHAPTER 6

209 7 0
                                    


The Unwanted Wife

CHAPTER 6

"YOU ARE four weeks pregnant, Miss Smith. Congratulations," nakangiting anunsyo ni Doktor Sebastian.

Agad na uminit ang mga mata ko at hindi ko na mapigilang mapahagulhol sa sobrang saya. Naisubsob ko pa ang mukha sa mga kamay ko at napayuko. "Oh my god.. I didn't expect this. M-Magkaka-baby na ako," awang ang bibig kong iniangat ang paningin sa doktor na nakangiting nakatingin sa akin.

"Yes. You are a mom now, Miss Smith," ani ng doktor.

Tutop ko ang bibig habang napapatango-tango. Umiiyak ako and at the same time ay nakangiti. Mix emotions. Halo-halong emosyon ang nanunuot ngayon sa dibdib ko.

Excitement.

Masaya.

Malungkot.

Pangungulila sa ama ng dinadala ko, kay Jake Xander. I really miss him so much. Gusto ko ng marinig kahit 'yong pagalit nitong boses. Ngunit, kailangan kong patatagin ang loob ko at magtiis alang-alang sa magiging anak namin.

Hindi ko akalain na makabubuo kami sa iisang beses lang na may mamagitan sa amin. And, I can't believe I am carrying Jake's baby now.

Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman habang hinahaplos ko ang flat na flat ko pa ring tiyan.

This is my dream. To become a wife and a mom.

"I knew it! I knew it!" Masayang-masayang sambit ni Mommy Vic. Ngayon lang nakapag-react. Marahil natigilan siya nang ianunsyo ng doktor na nagdadalantao na nga ako. Niyakap niya ako ng sobrang higpit habang ang isang kamay niya ay panay haplos sa buhok ko. "I'm so happy, dear! Atlast, magiging granny na ako!" Pinanggigilan pa niya ako sa sobrang tuwa niya.

'Sana'y ganyan din ang reaksyon ni Jake oras na malaman niyang dinadala ko na ang magiging anak niya.' Hiling ng isip ko.

"Napakasaya ko din po," sabi ko habang patuloy pa ring pumapatak ang luha sa mata ko.

Kumalas siya sa akin at saka pinunasan ang luha ko gamit ang tissue na hawak-hawak niya.

"Don't cry, dear. Iiyak din 'yang baby mo. Stop na, okay?"

Nakangiti naman akong tumango. "Tears of joy po kasi. Naiiyak po ako sa sobrang saya."

"I know, dear. But, stop crying na. You know that I don't wanna see you crying. So, smile na, okay?" Sinuklay-suklay niya ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.

Muli akong tumango at kinalma na ang sarili.

"Here's the vitamins you need to drink daily, Miss Smith. This is for you and the baby." Inabot sa akin ng doktor ang mga box ng bitamina na nakalagay na sa paper bag. "And, you have to be careful. Don't carry heavy things. Most and for all, do not stress yourself. That's the reason kung bakit nagkakaroon ng deperensya ang mga babies. Stress can be affect your baby. Always remember that."

Tumango ako. "Yes po, Doctor Sebastian. Noted po. Thank you." Pasalamat ko.

Ngumiti siya ng matamis sa 'kin. "You're always welcome, Miss Smith. And, by the way, come back here by next month for your following check up, okay? We have to monitor your baby."

The Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon