CHAPTER 15

182 4 0
                                    


The Unwanted Wife

CHAPTER 15


"ATTARAH.."

Kaagad na naagaw ni Jake ang atensyon ko nang marahas siyang lumapit sa kama matapos ng ilang segundo niyang pagkakatulala sa pintong nilabasan ni Jaze Vanxanter. Nang tumingin ako sa kanya ay kita ko ang pagtagis ng mga bagang niya at tila hindi mapakali ang mga kilos niya.

Nanatili akong kalmado at tila walang emosyong nakatingin sa kanya habang hinihintay siyang magsalita.

"Look. I admit that this is all my fault. And, I'm sorry for that." Biglang lumambot ang ekspresyon niya. "Sorry that I caused you pain. But, I just want you to know that..that I'm also in pain.. I'm blaming myself that I lost my child and that's because of me."

Hindi ako kumibo. Matagal ko din siyang tinitigan. I can sense na sincere siya sa sinasabi niya and I can feel na totoo ang sakit na nararamdaman niya ngayon. He's not good on pretending, actually.

Iniiwas ko ang paningin sa kanya at saka ako pumikit. Ayoko siyang tignan dahil mas lalo ko lang na nararamdaman 'yong sakit kung paanong mawalan.

"Attarah, please.."

Tawag-pansin niya uli sa akin kaya't iminulat ko na ang mga mata ko.

"Don't be mad at me. I'm just a human-" naputol ang sasabihin niya ng basta na lang akong bumangon.

"Why are you saying this? Blaming yourself and telling me that you're also in pain? For what, Jake? At, gusto mong huwag akong makaramdam ng galit sa 'yo dahil sa nasasaktan ka rin? You think, gano'n-gano'n na lang 'yon?" Napangising-aso ako sa pagkaasar. "Jake..YOU and Kate are the responsible kaya nawala 'yong magiging anak ko!" Nanginginig ang mga labi kong sambit. "At 'yong nangyari kay Kate, sa pagkawala rin ng baby niyo, wala akong kinalaman do'n! Kasalanan mo 'yon, Jake! Kaya, 'wag na 'wag niya akong sisisihin sa nangyari sa kanya!" Ewan ko at kung bakit bigla na lang din lumabas sa bibig ko ang tungkol doon.

Muling nagtagisan ang mga bagang niya at matiim akong tinitigan. "Don't mention about her and what happened to her, Attarah. We were talking about us!" Tugon niya.

"I don't want to talk about us, Jake! Because, there is no us in the first place!"

"You're my wife, Attarah! For heaven sake!"

"Oo nga! Magasawa tayo. Pero, magasawa lang tayo sa papel! That's what you said to me after we got married, right?"

"I didn't mean to say that."

"Really? But , I'm serious of what I said to you, Jake. I'm setting you free as soon as possible."

The Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon