CHAPTER 7

210 6 0
                                    


The Unwanted Wife

CHAPTER 7

"J-JAKE..."

Hindi ko malaman kung ano ang mararamdaman ko ngayong nasa harapan ko nga ang asawa ko. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o mas malulungkot.

Pero lamang ang pagtataka ko kung anong nangyari sa kanya at kung bakit siya nandirito ngayon.

'Nakita niya ba akong mag-walk out mula sa salon? Sinundan niya ba ako dito?'

Pinakatitigan ko siya ng maigi. Sa unang tingin ay halos hindi ko siya makilala. Ibang-iba ang hitsura niya ngayon kumpara nung huli ko siyang nakasama. Isang buwan lamang kaming hindi nagkita ngunit tila isang dekada na ang ipinagbago niya. Namayat siya at humaba na rin ang buhok. Maging ang mga bigote ay halos matabunan na rin ang mapupulang labi niya. Ngunit hindi kabasawan iyon sa taglay niyang kagwapuhan.

"W-What are you doing here?" Hindi ko mapigilang itanong. Tutok ang paningin ko sa kanya at maging siya ay hindi rin mapuknat ang titig sa akin. "Jake.."

Imbes na sagutin ako ay hinubad niya ang itim na jacket at mabilis na lumapit sa akin at saka niya iyon ipinatong sa katawan ko.

Nagulat man sa ginawa niya ay hindi na ako nakapagsalita pa dahil agad na rin niya akong hinawakan sa braso at hinila ako papalabas ng sementeryo.

Basang-basa kaming pareho nang pumasok sa nakahimpil niyang sasakyan sa labas.

"Change your clothes." Walang emosyon niyang utos sa akin habang iniaabot ang over sized niyang t-shirt at tuwalya. "Stop staring at me, Attarah. Change your wet clothes now," madiin niyang sabi.

Napalunok ako at saka iniiwas ang paningin. Hindi ko talaga maiwasang tingnan siya dahil nagtataka ako sa ikinikilos niya.

Saglit ko na ring nakalimutan ang sakit na naramdaman kanina. Napalitan iyon ng kakaibang pakiramdam na tanging si Jake Xander lang ang nakagagawa.

Kaya naman, nagmadali na akong hubarin ang suot ko. Naiilang man ngunit nagpatuloy ako. Pagkahubad ko ay inilagay ko sa paanan ang basang damit ko at saka ko na kinuskos ng tuyong towel ang basang katawan. Nang isusuot ko na sana ang tuyong damit ay bigla akong natigil nang pigilan ako ni Jake.

Napapalunok tuloy akong napalingon sa kanya. "W-Why?" Kinabahan ako.

"Remove your bra. It's wet."

Napapangiwi akong tumango at sinunod na lang ang gusto niya.

Hinubad ko na nga ang bra ko at saka dali-daling isinuot ang damit na binigay niya sa 'kin. Pinatuyo ko na rin ang buhok ko gamit pa rin ang tuwalyang ibinigay niya.

Nang matapos ay bumaling ako sa kanya. "Jake, uuwi na ako," sabi ko at tumango naman siya.

"Yeah. I'll take you home," anya at saka na niya pinaandar ang sasakyan. Gaya ng nakasanayan ko ay seryosong-seryoso pa rin ang mukha niya. Tutok na tutok din ang paningin sa daan.

Panaka-naka ko siya kung lingunin. Hindi ko kasi mapigilang hindi siya tingnan. Sobrang miss na miss ko na kasi siya. Mayroon mang nangyari nung nakaraan ay tila limot ko na.

The Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon