The Unwanted WifeCHAPTER 8
PAGKARATING namin sa mansyon ay agad naming napukaw ang atensyon ng mga bisitang naroon. Subalit, hindi ko magawang salubungin ang nanunuring tingin ng mga ito kung kaya't sa ibang bagay ko na lamang itinuon ang paningin.
Magkasabay kaming naglalakad ni Jake sa red carpet at nadadaanan namin ang iba pang mga bisita na napapasinghap pa, nagbubulungan at hindi makapaniwala sa nakikita.
Naupo kami ni Jake sa isang mesa na nasa unahang bahagi. Malapit sa may maliit na entablado.
"Are you hungry?" Tanong ni Jake.
Umiling ako. "Oo. Hindi ako nakapananghalian kanina, eh."
Malalim naman siyang napabuntong-hininga at saka tumayo. "I'll get you some food." Saka tumalikod.
Habang hinihintay si Jake ay nagpalinga-linga muna ako at hinanap si Mommy Vic subalit iba naman ang nadapuan ng paningin ko. Isa iyong grupo ng mga babae na tila sibat kung makatingin sa 'kin. Hindi ko na lang pinansin.
Sakto namang dumating na si Jake at may dalang pagkain. Ipinatong niya ang plate sa harap ko. "Eat." Tipid niyang saad.
Tumango ako. "Thanks." Saka ko na hinarap ang pagkain. Gutom na talaga ako.
"Is that Jake Xander?" Dinig kong bulong ng isa sa mga babae sa likuran namin.
"Yeah." Tugon naman ng isa.
"Why he's with Attarah Jade? Hindi ba't si Honey Kate ang girlfriend niya? Why they were together?"
"I don't know. But, I heard Jake and Kate's love story has ended up already. The reason why is..third party."
'Nagbreak na sila?' Napalingon ako kay Jake at tinitigan siya. Subalit, tila wala naman siyang nadirinig. Wala siyang imik at parang malalim ang iniisip.
"Whaatt? For real?!"
"Yes! And maybe, the third party is her."
Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy ng huling nagsalita pero nasisiguro kong ako ang pinatatamaan nito.
Ngunit wala sa mga ito ang pansin ko kundi doon sa mga narinig ko.
'Totoo nga bang wala na sila? Kailan pa? Kaya ba..nagiging mabait na sa 'kin si Jake?' Sunod-sunod na tanong ng isipan ko.
The party hasn't start yet. Ewan ko ngunit mukhang tama ang sinabi ni Jaze na nagkukulong ngayon si Mommy Vic. Nagaalala tuloy ako.
Kaya naman, matapos kong kumain ay binalingan ko na si Jake at kinuha ang atensyon niya.
"What?" Wala sa loob niyang tanong.
"Ahm.. Pupuntahan ko lang si Mommy Vic sa kwarto niya. Baka kasi nagkukulong nga 'yon. Kasalanan ko kung bakit.."
BINABASA MO ANG
The Unwanted Wife
RomanceWARNING: MATURE CONTENT!!! Attarah Jade Montecillo marries a guy named Jake Alexander Smith. Ang lalaking matagal niyang pinangarap. So, it was a dream come true for her to be his wife. Subalit, nang sa simula ng kanilang pagsasama ay halos isumpa s...