CHAPTER 3

225 6 0
                                    


The Unwanted Wife

CHAPTER 3

"I-I.. D-DEDICATED this song to the man I love the most. I know he's listening right now and watching me up here. Thank you for coming into my life even though you didn't gave the love and care I deserve."

Halos pumiyok ako sa sobrang kabang nararamdaman. Or should I say, sa sakit na namumuo ngayon sa dibdib ko.

Hindi ko kayang paniwalaan na ngayo'y nakikita ko ang asawa ko na kasama ang dati niyang kasintahan. Na baka nga hindi naman totoong naghiwalay sila.

Napayuko ako at pinuno ng hangin ang dibdib bago ko nilingon ang mga myembro ng banda upang ipahiwatig na handa na ako. Hirap man ay kakayanin kong kumanta sa harapan nila.

At nagsimula na ngang tumipa ang pianista at iba pa.

Tumikhim ako at saka ko ipinikit ang mga mata.

🎶 "Kapag ako ay nagmahal
Isa lamang at wala ng iba pa
Iaalay buong buhay
Lumigaya ka lang, lahat ay gagawin.. 🎶

Unang linya pa lang ng kanta ay halos bumikig na ang lalamunan ko subalit nilalabanan ko lang. Ayaw kong mapahiya sa harapan ng marami. Kahit na gustong-gusto ko ng iiyak ang nararamdamang sakit ay hindi ko ginagawa. Iniisip ko na lamang na kaharap ko si Jake habang kumakanta at sa paraan ng pagkanta ko ay naihahatid ko sa kanya ang mga saloobin ko.

🎶 " Tumingin ka man sa iba
Magwawalang-kibo na lang itong puso ko.. Walang sumbat na maririnig. Patak ng luha ko ang iniwang saksi. 🎶

Humugot ako ng malalim na buntong hininga at ibinigay ang lahat ng emosyon sa kinakanta ko.

🎶 "Bakit nga ba mahal kita.. Kahit di pinapansin ang damdamin ko. 'Di mo man ako mahal, heto pa rin ako nagmamahal ng tapat sa'yo. Bakit nga ba mahal kita, kahit na may mahal ka mang IBA! Ba't baliw na baliw ako sa'yo? Hanggang kailan ako magtitiis? O, bakit nga ba...mahal kita...?" 🎶

Hinayaan ko ng tumulo ang mga luha ko at saka ko iminulat ang mga mata. Lakas-loob ko na ring inangat ang paningin para tingnan muli ang kinaroroonan ni Jake at ni Honey Kate. Naroon pa rin sila at deretso ring nakatingin sa akin. Malayo man ay nakikita ko ang mga mukha nilang tila walang mga emosyon.

The Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon