The Unwanted Wife
CHAPTER 22
HINDI pa rin ako makakilos habang nakakulong sa mga bisig ni Jake. Pangingilabot ang siyang nararamdaman ko at tila bagang may kung anong bolta-boltahing kuryente ang dumadaloy sa sistema ko. Hindi ko alam, pero, kahit anong pagsikil ko sa nararamdaman ko sa kanya ay sadyang tinatraydor ako nito at hindi ko siya maalis-alis sa puso ko. Para bang nakadikit na siya sa kaluluwa ko at hindi ko iyon maipaliwanag.
Ganito ba talaga ang pakiramdam ng pinag-isa ng diyos? 'Yon bang, kahit na marami ng bagay ang pinagdaanan ninyo, madami ng sakit ang nadanasan niyo, hahanap-hanapin mo pa rin 'yong taong ibinigay sa 'yo? 'Yon bang para na siyang nakatali na sa mundo mo, eh..
At, hindi ko din ikinakaila na gumaan ang pakiramdam ko nang maramdaman ko uli siya..
"I'm so sorry for all the pain that I caused you before.. I didn't mean all that," madamdamin niyang bulong sa akin. Bumikig naman ang lalamunan ko. Para na akong maiiyak! Masyado akong naaapektuhan sa mga sinasabi niya. "Babawi ako sa 'yo, Attarah.. But, promise me, you will never leave me again, okay?"
Wala akong maisagot. Hindi ko alam ang sasabihin..
Niluwagan niya ang pagkakayakap sa 'kin at tinunghayan niya ako. Napatingala naman ako sa kanya at nakita ko ang pamumungay ng mga mata niya. "Come on. Say that you will never leave again, Attarah. I'm waiting for your answer," anya at pinakatitigan pa ako ng maigi.
Matiim ko naman siyang tinitigan pabalik. At, nang makita ko naman at maramdaman na seryoso siya ay saka lang din ako mahinang napatango.
"Don't just nodded your head, baby! Say it, please!" Pangungulit niya.
Nagsalubong ang mga kilay ko. "Oo na! Hindi na ako aalis! Tsk!" Singhal ko sa kanya habang masama din ang tingin ko. Ewan ko at para na akong nakukulitan sa kanya. "Pero..babalik pa rin ako doon sa lugar na pinagtaguan ko, nandoon si Amierizz. Kailangan niya ako sa araw ng panganganak niya." Tuluyan na akong kumawala sa pagkakahawak niya at umatras ng isang hakbang.
Namilog ang mga mata ni Jake. "Oh? She's pregnant? Really?" Tila hindi makapaniwalang tanong niya.
"Makatanong ka naman akala mo napaka-imposible no'n! Oo! Buntis siya dahil kasama niya 'yong asawa niya! 'Lol!"
Nagsalubong naman bigla ang mga kilay niya. "I was just asking. Why you look so angry?" Napailing-iling pa siya at maya-maya'y umamo na uli ang mukha niya at napatulala na sa kawalan. Waring may malalim na iniisip.
Tumalikod ako sa kanya at hinarap si Zeih na nakakrus naman ang mga braso habang nakikinig lang sa mga drama namin. Subalit, mayroong nakapaskil na ngiti sa bibig niya at halos maningkit pa ang mga mata.
"Why are you smiling like that, Zeih? Seems you saw a romantic scene and it's like, you know, kinikilig?" Patutsada ko sa kanya na ikinatawa niya.
BINABASA MO ANG
The Unwanted Wife
RomansaWARNING: MATURE CONTENT!!! Attarah Jade Montecillo marries a guy named Jake Alexander Smith. Ang lalaking matagal niyang pinangarap. So, it was a dream come true for her to be his wife. Subalit, nang sa simula ng kanilang pagsasama ay halos isumpa s...